Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel Padilla, excited sa Pangako Sa ‘Yo

052315 kathiel echo kristine

00 Alam mo na NonieAMINADO si Daniel Padilla na excited na siya sa kanilang bagong teleserye ni Kathryn Bernardo sa ABS CBN titled Pangako sa ‘Yo. “Siyempre naman, sobrang excited ako.Trailer pa lang, hindi ba, grabe na? Akala ko nga nanonood na ako, e,” nakangiting saad ni Daniel.

Dagdag pa niya, “At saka siyempre hindi natin puwedeng biguin ang mga tao, na hindi lang trailer ang maganda, na kapag ipinalabas na, dapat every episode maganda dapat.

“Sobra akong nagagalak siyempre, grabe, grabe iyong napanood ko! Sobrang excited, kinakabahan din siyempre, pero kakayanin.”

Sina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ang gumanap na Angelo at Yna sa original na version ng Pangako Sa ‘Yo fifteen years ago.

Banaggit pa ni DJ na ibang klaseng experience ang pakikipagtrabaho sa kanilang co-stars, kabilang sina Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, at Ian Veneracion.

Si Jodi ang gumaganap sa karakter ni Amor Powers na binigyang buhay noon ni Eula Valdes. Si Angelica naman ay si Madam Claudia Buenavista, na ginampanan dati ni Jean Garcia.Samantalang si Ian naman plays the role of Eduardo Buenavista, na dating ginampanan ni Tonton Gutierrez.

“Si Tito Ian, sobrang okey, kasi siya yung tatay ko sa Got To Believe before. Sobrang close po kami ni Tito Ian. Si Miss Angelica naman po, hindi pa kami nagkakasama sa scene. Pero sa mga gatherings, nagkikita naman kami parati. Si Miss Jodi, okey rin po. So, sobrang kumportable.”

Bata pa lang daw si Daniel noong umere ang orig na serye, kaya hindi niya ma-imagine na gagampanan din pala niya ang papel dito ni Jericho.

“Napapanood ko rin, pero siyempre hindi ko pa naiintindihan kasi nga bata pa ako noon. Pero nasusulyapan ko iyon dahil pinapanood ng mga tita ko, nina Mama (Karla Estrada).

“’Tapos yun, noong pinapanood ko ang trailer, parang kailan lang, hindi mo alam ikaw na pala iyong susunod doon.”

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …