Friday , November 15 2024

Ang daan sa impyerno ay pinatag nang mabuting layunin (2)

USAPING BAYAN LogoMARAMI akong natanong kung sino ang napipisil nila na maging pangulo ng ating bansa sa darating na eleksyon sa 2016 at karamihan sa kanila ay nagsabi na ‘yung “lesser evil” na kandidato ang kanilang iboboto.

Nalungkot ako sa kanilang sagot kasi parang patunay ito na napakababa nang morale at pamantayan ng ating mga kababayan. Maaari rin na senyales ito nang kawalang pag-asa. Para na nilang sinabi na wala naman talagang kwalipikado sa mga kandidato at puro sila mga pupol na politiko o pul-politiko pero dahil walang mapagpilian ay pipiliin na lamang nila yung “lesser evil.” E ano ba ang katangian ng “lesser evil” na kanilang pipiliin?

Sa himig ng kanilang pangangatwiran, ang lesser evil ay ‘yung kandidato na mukhang matapat kahit walang karanasan sa pamamalakad. Isa pa sa kanilang pipiliin ‘yung may malinis na hangarin, mga katangian na unang naikabit kay Aling Cory Aquino na naging pangulo mula 1986 hanggang 1992. Alam naman natin ang nangyari noong administrasyon niya, lumabas ang Kamag-anak Incorporated at kabi-kabila ang mga palpak niyang desisyon sa pamamahala. Sa madaling salita iboboto nila ang isang kandidato kahit walang alam basta “honest” at “well intentioned.”

Noong nakaraang Biyernes ay nabanggit ko sa aking column na ang daan patungo sa impiyerno ay pinatag ng mabubuting layunin (The road to hell is paved with good intentions). Marami ang gustong humawak ng poder sa kabila ng katotohanan na wala naman silang kakayahang mamuno at ang tanging kwalipikasyon na kanilang inaangkin ay pagkakaroon ng mabuting hangarin.

Sa konteksto ng mga nangyayari ngayon sa ating bayan, ang pakikialam ng Malaysia-Moro Islamic Liberation Front tandem sa Mindanao at ang maaaring pagsiklab ng digmaang Amerikano-Tsino sa West Philippine Sea, malinaw na trahedya ang aabutin natin sa ilalim ng isang pinuno na lesser evil ang pangunahing kwalipikasyon. Hindi lamang ito ang makapagsasalba sa bayan mula sa mga nakaambang krisis na ito. Kailangan rin na ang ating magiging pangulo ay may taos na pag-ibig sa bayan, talino, gulang, kalayaan at tibay ng loob – mga katangian na pinapanday ng karanasan – para mailayo ang bayan sa delubyo. Ang kawalan ng alam ay nagiging daan sa mas lalong kapahamakan samantala ang pagiging “honest” ay madalas nauuwi sa kahambugan, conceitedness at idolatry tulad ng nangyari sa espesyal na Pangulong Benigno Simeon Aquino III at ng kanyang “Tuwid na Daan.”

* * *

Dapat nating saklolohan ang Rohingya refugees na mapapadpad sa ating mga karagatan. Ito ay tungkulin natin bilang isang mananampalatayang lahi. Hinihingi ng ating pananampalataya na sila ay kalingain. (Mateo 7:12)

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling. Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=tspara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *