ni Alex Brosas
HANDA na raw si Angelica Panganiban na i-bash ng KathNiel fans.
Having said that, parang sinabi na rin ni Angelica na bashers nga ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Probably, aware siya na marami nang inaaway ang fan clubs ng dalawa kaya siguro siya nakapagsalita ng ganoon.
Actually, sa latest chika, binash daw ng isang KathNiel fan ang baby ni Andi Eigenmann. Tinawag kasi nitong chaka ang baby ni Andi kaya naman nagwala ang aktres sa kanyang social media account.
Hindi naman sure kung legitimate KathNiel fan ang nambasag sa anak ni Andi pero dala-dala nito kasi ang KathNiel fan club kaya nilait din siya ng fans ng aktres.
Foul nga naman na pati ang nananahimik at walang muwang na anak ni Andi ay isasali pa sa pamba-bash sa aktres.