Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

47-anyos kelot nanghaltak ng 27-anyos ginang  para pagparausan (Makaraan manood ng sex video)

ILOILO CITY— Hinalay ng 47-anyos lalaki ang 27-anyos ginang sa Barotac Viejo, Iloilo kamakalawa.

Ayon kay Insp. Rene Delos Santos Del Castillo, imbestigador ng Barotac Viejo Municipal Police Station, umiinom habang nanonood ng malaswang video ang suspek na si alyas Toto sa bahay mismo ng ina ng biktima, at kainoman ang kapatid na lalaki ng ginang.

Nang umuwi ang suspek, napadaan siya sa bahay ng hindi pinangalanang biktima at puwersahang pumasok saka hinatak palabas ng bahay ang babae.

Nanlaban ang biktima ngunit iniuntog ng suspek sa puno hanggang mawalan ng malay, binusalan ng damit sa bibig at tinutukan ng baril habang hinahalay.

Ayon pa sa imbestigador, ipinasok ng suspek ang kanyang limang daliri sa kaselan ng babae at kinuhaan ng video ang biktima sa iba’t ibang posisyon.

Tanging ang dalawang anak na paslit lamang ang kasama ng biktima sa kanilang bahay.

Napag-alaman, ang suspek ay pamilyado at may anim na mga anak.

Sa ngayon, patuloy na inoobserbahan ang biktima sa Western Visayas Medical Center dahil sa dinanas na trauma.

Samantala, nakakulong na ang suspek na sinampahan na ng kaukulang kaso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …