Friday , November 15 2024

Vice presidentiables na presidentiables

00 pulis joeyNAKATATAWA ang mga pumupormang tatakbong presidente sa 2016.

Ang kinukuha nilang running mate ay mga malakas ding presidentiable at ikinakasang maging standard bearer ng kanilang partido.

Tulad ni Vice President Jojo Binay, gusto niyang maging running mate si Senadora Grace Poe o kaya’y si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Pero binasura agad ni Poe ang alok ni VP Binay. Dahil napupusuan siyang iendorso ni Presidente Noynoy Aquino na siyang magpapatuloy ng “tuwid na daan”. Ito’y kung magbibigay-daan uli ang “standard bearer” kuno ng Liberal party na si DILG Sec. Mar Roxas na napakahina sa survey.

Wala pa namang komento si Duterte sa naging pahayag kamakalawa ni VP Binay na napupusuan siyang maging ka-tandem.

Kamakailan, ipinahayag ni Senador Koko Pimentel ng PDP Laban na ang pambato ng kanilang partido sa 2016 election ay si Duterte.

Si Duterte ay kasalukuyan nang nagsasagawa ng

”listening tours” sa mga probinsiya pati na sa ibang bansa kungsaan maraming OFWs na botante.

Dahil bumabagsak na ang trust rating ni VP Binay sanhi ng mga nagpuputukang katiwalian sa pamumuno ng kanilang pamilya (mula 1986 hanggang ngayon) sa Makati City, nagpahayag si dating Presidente at ngayo’y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada na bukas siyang tumakbo uli sa pagka-pangulo at maging running mate nalang (uli) si Binay. Ang dalawa ay tandem noong 2010.

Papayag naman kaya si Binay sa statement na ito ni Erap? Aba’y isa lang sa kanila ang dapat kumasa sa pagka-presidente or else mahahati ang kanilang “mass votes” at kapwa sila pupulutin sa kangkungan.

Si Erap o si Binay nalang kasi ang pag-asa nina Senador Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile, pawang nakakulong sa Plunder, na kapag na-convict ay mabigyan kaagad sila ng “presidential absolute pardon” para makatakbo uli sa mga eleksyon tulad ni Erap. Boom… buking!

Anyway, ang malinaw sa ngayon ay walang may gustong tumakbong Vice President. Lahat sila ay presidente ang target.

Pagkakataon na ito ni Senadora Loren Legarda. Hahaha…

Duterte-Lacson ang gusto…

– Gandang araw po, Sir Joey. Gusto ko maging sunod na presidente sa 2016 ay si Mayor Duterte, at gusto ko maging VP ay si Lacson. Nakikita ko po sa kanila na meron silang kakayahan mamuno sa ating bansa at magpatupad sa mga batas. Ang nangyayari kaso ngayon, sa dami ng mga batas ay hindi pinapatupad. Sana maiparating ito kina Mayor Duterte at Lacson. 09435317…

Puwedeng puwede ang dalawang ito. Tiyak martial ang iiral sa Pilipinas kapag Duterte-Lacson ang namuno sa atin.

Roxas-Duterte naman…

– Sir Joey, mas pabor po ako sa magiging presidente at bise presidente ay Roxas at Duterte. “Mr Palengke” at berdugo sa mga droga. Baka magbago pa ang imahe ng bansang Pilipinas. At sa mga politiko, sa pagtakbo sa 2016 ay pinag-pray ko po kayo na ang inyong mga kahitnatnan na masamahan po kayo ng mahal na Dios at kayo po ang kasangkapan ng bayan ng Diyos. Gos bless po. – 09396137…

Magandang tandem rin ito. Pero mas winnable si Duterte kesa kay Roxas eh.

Letseng LTO-Novaliches

– Mr. Joey, isa rin akong galit sa LTO. January pa ako nagparehistro dito sa Novaliches-LTO. Hanggang ngayon wala parin sticker at plate number. Puro lang next month. Pang-deliver po yung truck ko. Kaabala pag nasita po. Salamat, – 09206933…

Talagang may matinding kalokohan na nangyayari sa LTO. Tama ngang gisahin sila sa Senado nina Senador Alan Peter Cayetano at Sen. Ralph Recto. Puro lang gawa ng pera ang LTO! Ang sama sama ng serbisyo! Bwisit!!!

 

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *