NANAWAGAN ng tulong ang pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) makaraan patawan ng parusang kamatayan sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon kay Rajima Dalquez, inaresto noong Disyembre 12 ang 28-anyos niyang anak na si Jennifer makaraan mapatay ang among nagtangkang gumahasa sa kanya. Nasaksak niya ng employer gamit ang kutsilyong itinutok sa kanya.
Huling nakausap ng OFW sa telepono ang inang nasa General Santos City noong Miyerkoles para ipaalam na ibinaba na ang sentensiyang kamatayan sa kanya.
Kinompirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) General Santos ang ulat kasabay ng pahayag na posible pang maisalba si Dalquez na kanilang iaapela ang kaso.
Noong Enero sana magbabalik-bansa ang OFW.