Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michelle, kumalas na kay Annabelle Rama

 

ni James Ty III

annabelle rama michelle madrigal

BAGONG-bihis ang career ngayon ng sexy star na si Michelle Madrigal dahil pumirma na siya ng kontrata sa Viva Films kasama ang kapatid na si Ehra.

Kinompirma ito ni Michelle nang magkita kami sa laro ng PBA noong isang linggo sa Cuneta Astrodome at sinabing kumalas na silang dalawa ni Ehra kay Annabelle Rama na matagal nilang manager.

Noong panahong si Annabelle ang manager ng magkapatid ay in demand sina Michelle at Ehra sa mga TV show ngGMA 7 at ilang beses din silang naging cover girl ng sikat na magasing FHM.

“Although we’re both under Viva, we can still appear on other channels,” wika ni Michelle. ”Ako nga, I signed up with ABS-CBN since maraming mga Viva star ay under ABS. Ehra naman is with TV5 at naging guest pa nga siya sa ‘Mac n Chiz’ with Derek Ramsay and Empoy Marquez.”

Mula noong pumirma si Michelle sa ABS ay naging guest siya sa Maaalala Mo Kaya at inaasahang gagawa rin siya ng teleserye sa Dos.

Nagsimula si Michelle sa ABS pagkatapos na maging finalist siya saStar Circle Quest ka-batch ni Sandara Park. Lumipat siya sa GMA noong 2007 na sumikat sa mga kontrabida role sa mga teleseryeng pinagbidahan ni Richard Gutierrez.

Bukod sa kanyang showbiz career ay stable pa rin ang relasyon ni Michelle sa basketbolistang si Chris Ross ng San Miguel Beermen.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …