Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julia at Angeline, nagkaroon ng misunderstanding dahil kay Coco

 

052415 Coco Martin julia montes angeline

00 fact sheet reggeeSA last taping day ng Wansapanatay Presents: Yamishita Treasures nina Coco Martin at Julia Montes, naging emosyonal daw ang lahat dahil nga napalapit na sila sa isa’t isa.

Ang leading lady ng aktor na si Julia ang isa rin sa sobrang nalungkot dahil hindi niya alam kung kailan na naman sila magkakasama ni Coco sa project. At higit sa lahat, tiyak na mami-miss ng aktres ang pag-aalaga sa kanya ng kapartner.

Ano kaya ang masasabi ni Julia na muling magkakasama sina Coco at Angeline Quinto sa FPJ’s Ang Probinsiyano?

Sa pagkakatanda namin ay matinding pinagselosan ni Julia si Angeline dalawang taon na ang nakararaan? In speaking terms na ba ang dalawang babaeng naging bahagi sa buhay ni Coco?

Samantala, mapapanood naman ngayong Linggo (Mayo 24) ang masamang epekto ng pagiging sakim sa kapangyarihan sa pagpapatuloy ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures.

Ngayong malapit na nilang mabawi ang kapangyarihan ni Demetrius (Eddie Garcia), haharap muli sa malaking pagsubok sina Yami (Coco) at Tanya (Julia) dahil sa pagpigil ni Lisandro (Noni Buencamino) sa kanilang mga plano.

Paano nga ba maititigil nina Yami at Tanya ang kaguluhan sa mundo ng mga engkanto? Ano ang gagawin ni Yami sa oras na dakipin ni Lisandro ang pinakamamahal niyang si Tanya?
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …