ni Pilar Mateo
A summer treat!
Naghatid ng Summer Sports Fair ang dalawang daytime drama series ng ABS-CBN na Oh My G at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita handog sa kanilang fans.
Nagharap ang Team Oh My G na pinangunahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel, at Manolo Pedrosa, at ng Team NKNKK nina Jane Oineza, Loisa Andalio, Joshua Garcia, at Jerome Ponce sa volleyball at basketball games. Naka-bonding din ng fans ang cast sa mga ibang palaro.
Bukod sa lead stars ng dalawang teleserye, itinampok din sa Summer Sports Fair ng Oh My G at Nasaan Ka Nang Kailangan Kita ang ilang Kapamilya stars at celebrity athletes para magdagdag kasiyahan sa fans ng mga programa.
Samantala, huwag palampasin ang mas kapana-panabik na eksena sa Oh My G araw-araw bago mag-It’s Showtime sa Prime-Tanghali at sa Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, tuwing 3:15 p.m. pagkatapos ng Flordeliza sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.