Thursday , December 26 2024

Pacquiao magpapasakop kaya sa BBL?

 

00 bullseye batuigas

ISA pala ang ating “Pambansang Kamao” na si Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao sa mga bumoto pabor sa Bangsamoro Basic Law (BBL) noong Miyerkoles.

Batid kaya ni Pacman at ng mga taga-Sarangani na nangangahulugan ito na puwedeng magpasakop ang kanilang lalawigan sa mga damuhong Moro Islamic Liberation Front (MILF) na magpapatakbo ng BBL?

Sa isang panayam sa radyo kay House Minority Leader Ronaldo Zamora ay ipinaliwanag niya na may “opt-in” provision ang kapalit na BBL na inaprubahan ng Kogreso. Pinahihintulutan pala nito ang 10 probinsiya sa labas ng sentrong teritoryo ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na sumali sa bagong Bangsamoro Autonomous Region sa pamamagitan ng plebisito.

Kapag naaprubahan kasi ang BBL ay nakatakda itong pumalit sa ARMM na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Sulu, Basilan, Lanao del Sur, Tawi-Tawi at Maguindanao.

Ang limang lalawigang ito ang nakasama sa awtonomiya ng mga Muslim sa ilalim ng 1976 Tripoli Agreement, na kasunduan noon sa pagitan ng gobyerno at ng Moro National Liberation Front (MNLF). 

Kabilang din dito ang Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, North Cotabato, South Cotabato, Palawan, Sultan Kuda-rat at Davao del Sur pero bumoto sila sa isang plebisito laban sa pagsali sa ARMM.

Sa BBL na inaprubahan ng Kongreso ay kabilang muli ang walong lalawigan pati na ang Zamboanga Sibugay na nagmula sa Zamboanga del Sur at Sarangani na mula naman sa South Cotabato.

Makalipas ang lima o 10 taon matapos maisabatas ang BBL, kapag nagpetisyon ang 10 porsiyento ng rehistradong botante ng alin man sa mga lalawigang ito na mapabilang sa bagong Bangsamoro ay puwede itong isailalim sa plebisito.  

Ayon pa sa kongresista, sa P528-bilyon pondo na ipagkakaloob ng national government sa Bangsamoro sa susunod na limang taon ay maipagmamalaki nila na sila ay may pera, para kombinsihin ang mga botante ng 10 lalawigan na mapabilang sa kanila.

Kung ang sariling lalawigan nila ay walang pera at may damuhong gagamitin ang sandamakmak nilang kuwarta para itapal sa kanilang mukha ay hindi kaya sila makumbinsi?

Handa ba si Pacman at ang ibang kalugar niya na magpailalim sa Bangsamoro? Alam ba nila na puwedeng mangyari ang kagaguhang ito nang dahil lang sa pagsuporta nila sa BBL?

Kung ang kasalukuyang limang lalawigan ay lolobo para maging 15, mga mare at pare ko, isipin n’yo na lang kung gaano karaming tao ang maaaring mapabilang sa Bangsamoro, at ang ma-lawak na kapangyarihang mapasasakamay ng rebeldeng MILF.

Manmanan!

***

PUNA: “Walang utak ang mga mambabatas natin. Mga mukhang salapi ang mga mata.”

TEXT 0946-8012233 para sa inyong mga sumbong, puna at reklamo.

 

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *