Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, KimXi, at DongYan nanguna sa PEPsters’ choice winners!

 

052315 pepster kimxi dongyan kathniel

00 SHOWBIZ ms mINIHAYAG noong Huwebes ng Philippine Entertainment Portal (PEP) ang mga nagwagi sa kanilang PEPster’ Choice matapos ang tatlong buwang deliberasyon ng online voting na may kabuuang 14,090,744 votes mula sa ardent supporters mula Pebrero 9 hanggang Mayo 9, 2015.

Pinangunahan ng mag-asawang Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga nagwagi ngayong taon bilang sila ang nagwagi bilang Newsmakers of the Year. Si Kim Chiu naman ang most voted star kaya nakuha niya ang Movie Star of the Year at FAB Female of the Year na may kabuuang botong 727,507 at 557,607 votes respectively.

Nagwagi rin si Kim bilang Celebrity Pair of the Year kasama ang ka-loveteam na si Xian Lim na nagwagi rin bilang FAB Star of the Year (Male).

Ani Xian, ikalawang beses na rin siyang nagwagi sa PEPsters’ Choice kaya naman ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan dahil ibig sabihin niyon ay marami pa rin ang sumusuporta sa kanya sa kabila ng may mga negatibong artikulong nasusulat.

Si Lyca Gairanod naman ang Child Star of the Year na pinuri ang pagganap niya sa kanyang lifestory sa MMK.

At siyempre, hindi nagpatalo ang fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo dahil ang actor ang Movie Star of the Year (Male) samantalang Teen Star of the Year (Female) naman si Kathryn.

Nagwagi rin si Darren Espanto bilang Teen Star of the Year (Male).

Ang iba pang component ng PEP List: the PEP Editor’s Choice ay malalaman naman sa June 18, Huwebes, sa gabi ng parangal na gaganapin sa Grand Ballroom ng Solaire Resort and Casino.
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …