Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ate Guy, madalas napapabayaan sa mga int’l filmfest

 

ni Pilar Mateo

 

UNCERTAIN! Napalampas ng Superstar na si Nora Aunor ang isang pagkakataon para maibandila ang bansa sa Cannes Film Festival na ginaganap doon sa Cannes, France sa kasalukuyan.

Nakatakda na nga sanang lumipad ang Superstar pero umano, nang dumating ito sa airport at malamang sa Economy class siya nai-book eh, hindi na maganda ang naramdaman nito.

Ang to the rescue eh, ang tumatayo niyang advisor at confidante na so John Rendez na siya ring nagpaliwanag sa dahilan kung bakit in-advise-an na niya ang Superstar na huwag na lang tumuloy.

Ang inalala ni John eh ang comfort ng Superstar dahil hindi nga biro ang layo ng nasabing paglalakbay sa bayan ng mga Pranses. Kasabay sanang lilipad ng Superstar ang co-producer ng Taclub na si Albert Almendralejo at staff ni direk Brillante Mendoza na si Carlo Valenzona.

Nauna ng nakalipad sa Cannes si Direk Brillante at mga artista niyang sina Ruby Ruiz at Aaron Rivero noong Mayo 13. With Wilson Tieng and Senator Loren Legarda.

Ayon pa rin kay John, hindi ito ang unang pagkakataong pinabayaan lang ng mga dapat na nag-aasikaso sa kanya ang Superstar. Gaya ng tumungo sila sa Venice Film Festival noong 2012.

Siyempre marami ang nanghihinayang at idinarasal na nga ng buong bansa na sa kanya ipagkaloob ang panalo. From an insider na nahingian namin ng opinyon, simple lang ang nasabi nito sa nangyari.

”If she has respect and truly pushes for thé dévelopment of Philippine cinéma dapat sumakay na siya at sumabay na sa entourage last May 16 pa kahit sa économy ang upuan.

”If she truly pushes for thé dévelopment of Philippine Cinéma and support not only its dévelopment and thé Filipino filmmakers she should exert effort to be blessed.”

Aminado ang aming source na wala ng budget ang producer para mag-accommodate ng Business o First class seats.

Kahit isa? Para lang sa Superstar? Sabi nga ng marami, it’s the Superstar. Respetohin na lang ang kanyang naging desisyon. At umani na siya ng tagumpay sa St. Tropez para sa Dementia.

Hirit pa ng aking source, “True. Kung ‘yun man ang naging desisyon nila, but all the team évén Brillante is in economy. Its the come-back of Brillante in Cannes after ‘Kinatay’ so people are more interested on him than the actors. Besides the Un Certain Regard section focuses on the Directors and its only 2x in the history of Un Certain that actors were given an award.”

Ang good news, Taklub had a full house screening at 2:00 p.m. and the festival heads are happy with the result. Direk Brillante for them is the star today!

Eh, ‘di sige!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …