NA-CANCEL na pala last month ang TV show nina Arnell Ignacio, Gelli de Belen, at Atty. Mel Sta. Maria na Solved na Solved sa TV5. Nanghihinayang nga ang magaling na komedyante/TV host dahil bumubuwelo na ang kanilang talk show.
Sa ngayon, si Arnell ay nakatutok naman sa kanyang bagong discovery, ang singer na si Ken El PSalmer, na itinuturing niyang espesyal.
Bakit mo nasabi na espes-yal si Ken? “Iyong boses niya distinctively his, e. ‘Tsaka ang dami naang pinagdaanan noong tao bilang entertainer. He ne-ver got special treatment noong na-book siya sa China, Malaysia, Singapore, etc.
“Kung ano-ano pinapakanta sa kanya, nagtiis siya na for two years ang kausap lang ay goldfish, na namatay pa sa lamig sa China,” kuwento sa amin ni Arnell.
“At saka siyempre love interest ko rin, e” nakatawang dagdag pa niya.
Dati ka na bang nag-aalaga ng talent or ngayon lang? “May mga natulungan, pero ito naman tinutulungan ko lang talaga until sa presscon e, nilag-yan na ako ng title na manager. Diyos ko, ang dami tuloy luma-lapit sa akin!”
Pero, ikaw ba talaga ang manager ni Ken? “E ganoon na rin,” matipid na saad pa niya.
Paano kung intrigahin ka at sabihin na lover mo siya? “E, kasali naman ‘yan. Mas madali pa siyang makikilala.”
So, okay lang na i-link kayo? “Pero siyempre, hindi ko aaminin,” nakatawang saad pa ni Arnell.
Inusisa din namin kung ano ang plano niya sa career ni Ken. “Hahanapan ko na muna siya ng booking, ‘tsaka guestings sa TV. Dapat ‘yun bang regularly may gig and magbubuo ng banda.”
Sabi mo noong na-interview ka namin, matagal ka nang loveless. Nga-yon ba,naging inspired ka dahil kay Ken? “Oo ang tagal tagal ko nang loveless, puro dusa lang inabot ko.
“Kay Ken? Extremely inspired,” nakatawang pahayag ni Arnell.
Eleven years ka nang separa-ted sa wife mo, sa tingin mo ba ay eto na yung time para sabihing may karapatan ka ring lumigaya ulit?
“Siyempre naman, everybody deserves the chance to be happy in love. ‘Tsaka if somebody loves you and cares for you so much, e mas ipinagmamalki yun kaysa sa inaalala mo di ba? Inaalala mo kung ano ang sasabihin ng (ibang) tao.”
Kailan yung last time na naging extremely inspired ka? “Matagal na matagal na.
Totoo naman ‘yun. Ngayon, parang laging may rainbow, ha-ha-ha!” pabungisngis na saad pa ni Arnell.
ni Nonie V. Nicasio