Friday , November 15 2024

Warehouse pa ng plastic sa Valenzuela nasunog din

ISA na namang warehouse ng plastic sa Valenzuela City ang nasunog kahapon.

Dakong 5:28 a.m. nitong Huwebes nang sumiklab ang sunog sa gusaling gilingan ng plastic ng Greencycle Corporation, na pagmamay-ari ng isang Peterson Tecson, sa Francisco St., kanto ng Maysan Road, Brgy. Malinta sa lungsod na nabanggit.

Kuwento ng isang guwardya, bigla na lang umusok at nagliyab ang nakatambak na plastic sa bungad ng warehouse.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago naapula makalipas ang halos 20 minuto.

Walang nasaktan sa naturang sunog, na nangyari walong araw makalipas ang malagim na sunog sa pabrika ng tsinelas sa Brgy. Ugong na 72 katao ang namatay.

 

 

 

 

 

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *