Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, bagay na kayang gumanap na kabit?

ni Reggee Bonoan

052215 kim chiu

00 fact sheet reggeeMAGLALAGARE ng shooting si Kris Aquino ng pelikula nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ididirehe ni Antoinette Jadaone at ang Etiquette for A Mistress ni Direk Chito Rono.

Akala ng lahat ay hindi na kasama si Kris sa Etiquette for Mistress dahil nga hindi siya puwedeng gumanap na kabit dahil bawal sa kontrata niya sa produktong ineendoso niya.

Pero in-announce na ito ng Queen of All Media sa Aquino and Abunda Tonight noong Lunes ng gabi, “yes, I’m part of the project.”

Sa madaling salita, tuloy na si Kris sa nasabing pelikula na pagsasamahan nila nina Claudine Barretto at Kim Chiu.

Matatandaang naunang inalok sa TV host/actress ang title role, pero biglang umurong dahil bawal sa kontrata niya.

Sa madaling salita, si Kris na ang gaganap na asawa at si Claudine naman ang kabit.

Sabi ng taga-Star Cinema sa amin, “wala naman kasing wife roon, puro mistress, bit roles and cameos lang ang wives. So most probably minor role lang si Kris o baka daragdagan. Si Claudine (Barretto) ang mistress.”

So ano naman ang magiging papel ni Kim sa Etiquette for A Mistress, eh, wholesome ang imahe niya?

Nagulat kami sa sagot sa amin, “bagong saltang probinsiyanang magiging mistress.”

Huh, handa na ba si Kimmy sa papel na kabit? Sabagay, kailangan na ng dalagang aktres ng mature role at hindi na puwedeng magpa-cute.

Sabagay, naging asawa’t kabit at may mga anak na nga siya nina Jake Cuenca at Coco Martin sa seryeng Ikaw Lamang.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …