Friday , November 15 2024

Iregularidad sa pagtatayo ng steel rolling plant sa Plaridel nabisto ng Kongreso

00 Abot Sipat ArielMUKHANG may mga iregularidad na nangyayari sa planong pagtatayo ng planta ng bakal ng Steel Asia sa bayan ng Plaridel, Bulacan, matapos isagawa ng Kamara ng mga Representante ang pagdinig noong Mayo 20, 2015, sa pamamagitan ng Congressional Committee on Agrarian Reform.

Ang hearing ay pinangunahan ni Rep. Teddy Brawner Baguilat Jr., ng Ifugao, chairman ng Committee on Agrarian Reform, kasama si vice chairman Rep. Noel Villanueva ng 3rd District ng Tarlac; at mga miyembro na sina Reps. Gwendolyn Garcia ng 3rd District ng Cebu at Agapito Guanlao ng BUTIL Farmers Partylist.

Inirereklamo ng mga residenteng apektado ang planong pagtatayo sa Plaridel ng higanteng proyekto ng Steel Asia — na meron din mga planta sa Visayas at Mindanao — dahil sa malaking banta ng planta ng bakal sa pinagkukunan ng tubig ng mga mamamayan. Pinalagan din ang katakot-takot na land conversion na nangyari para makapagpatayo ang Steel Asia ng isang planta, na ayon na rin sa kanila, ay magiging pinakamalaki at pinakamoderno sa buong Asya.

Pero sa nabanggit na hearing tila nagkalitohan sa deklarasyon ang mga ahensiyang ipinatawag sa hearing dahil walang ginawang koordinasyon ang bawat isa at hindi sila magkasundo-sundo.

Ayon kasi kay Department of Agrarian Reform (DAR) Region 3 Director Arnel Dizon, nakapag-isyu na sila ng tatlong conversion order mula sa hati-hating 16 ektarya pero hindi pa ito pinal at hindi pa executory kaya wala pang nagaganap na conversion.

Hindi naman ito sinuportahan ng kinatawan ng National Irrigation Authority (NIA), at sinabing walang nangyaring koordinasyon sa pagitan ng NIA at DAR sa usapin. Batay kasi sa ulat ng NIA “not irrigated” lamang ang nasabing lugar na ang ibig sabihin, produktibo ito at puwede pang patubigan.

Samakatwid, ayon sa DAR, puwede itong i-convert. Para naman sa NIA, ito ay puwede pang patubigan.

At nagulat ang mga dumalo ng hearing nang sabihin ni G. Roberto Cola, bise presidente ng Steel Asia, na nag-iba na raw ang kanilang plano sa tunawan ng bakal. Gagawin na lang daw itong logistic center o hub.

Ang tanong ni Rep. Garcia kay Cola, “Bakit kayo nag-a-apply for EEC or environmental compliance certificate sa DAR kung isang logistic center lang ang inyong itatayo?”

Ang lumalabas dito, binago ng Steel Asia ang strategy nila base sa progreso ng pagtutol ng mamamayan. May balita na isang malaking PR firm ang inupahan ng kompanya para patahimikin ang mga taga-Plaridel; ‘ayusin’ ang mga puwedeng ‘ayusin’ at madaliin ang pagtatayo ng planta.

May mga balita rin na konektado ang Steel Asia sa pinakamalalaki at pinakakontrobersiyal na “steel industry monopolists” ng daigdig. Sila  iyong mga higanteng kompanya na hindi lumalaban nang parehas kumbaga sa boksing. Dadapo sa isang bansa at lalamunin ang maliliit na players ng industriya ng bakal.

At hindi kataka-taka na sa kabila ng protesta ng mamamayan sa Davao at Cebu, at maging sa Meycauayan, Bulacan, natuloy pa rin ang mga tunawan nila ng bakal. At ano ba ang lungsod ng Meycauayan, kundi isang “densely-populated area.”

Nakukuha ngang magkontrahan ang mga ahensiya ng pamahalaan sa usaping ito sa Plaridel. Buti na lang at nabisto ng Komite ng Agrarian Reform ng Kamara. Kung matutuloy kasi ang proyekto, malaki ang magiging pinsala nito sa kapaligiran, lalo sa pinagkukunan ng maiinom na tubig ng mamamayan. Tsk, tsk, tsk.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *