SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department of Justice (DoJ) ng Bureau of Customs (BoC) kahapon ang importer at broker ng ukay-ukay dahil sa illegal na importasyon ng mga lumang damit.
Kinilala ni Customs Commissioner Alberto Lina ang kinasuhan na si Evangelos Tiu Andit, may-ari ng ERS Surplus, may tanggapan sa Gusa Highway sa Cagayan de Oro City, gayondin ang customs broker na si Yolanda Mondragon Narandan.
Sinabi ni Lina, nilabag ng dalawa ang Tariff and Customs Code of the Philippines at Republic Act No. 4653 o ang pagbabawal sa commercial importation ng lumang textile articles o lumang damit.
Napag-alaman, ang nasabing mga ukay-ukay ay dumating sa Cagayan de Oro lulan ng 40 foot container van noong Marso 18, 2015 at idineklarang bed sheets, pillow cases at comforter ngunit natuklasang mga ukay-ukay.
“I am warning all importers and traders, especially those involved in the illegal importation of used clothing to stop what they are doing. We will never compromise the interest of our local industries and for that we will not allow illegal importation of used clothing,” pahayag ni Lina makaraan magsampa ng kaso sa DoJ.
Sa ngayon ay 200 na ang nakasuhan ng BoC sa pagpapatupad ng kanilang programang Run After Smugglers.
Leonard Basilio