Friday , November 15 2024

Duterte: “Kill them all”

00 Kalampag percyTINAGURIAN ang Davao City bilang “ninth safest city in the world” kaya proud na proud si Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang siyudad. Kaya isiniwalat niya sa isang pagtitipon ang kanyang sekreto sa pamamahala. Para sa kanya, walang puwang ang mga kriminal sa kanilang lunagsod, “Kill them all.” Maaaring hindi maganda ito sa pandinig ng “human rights advocates” pero kung ang extra-judicial na paglipol sa mga kriminal ang garantisadong makapagpapatahimik sa isang lugar, walang dahilan para kondenahin ito.

Sakaling kumandidatong presidente si Duterte sa 2016 at palarin na magwagi, unahin sana niya ang mga nanggahasa sa kaban ng bayan. Siguradong ito lamang ang makagagamot sa sakit na klepto ng mga opisyal na magnanakaw sa gobyerno. Ang paraan ni Duterte ang mabisang paraan upang gumana ang sistema sa bansang tulad natin na ang rule of law ay balewala.

K-12, tuition hike ok lang kay PNoy

ISANG taon na lang ang natitira sa administrasyong Aquino pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natin maintindihan kung ano ba ang “daang matuwid” na ipinangangalandakan nila. Paanong naging matuwid ang pagpabor sa taon-taong tuition hike na ang nakikinabang lang ay malalaking kapitalista na may-ari ng mga pribadong paaralan. “Daang matuwid” ba ang K to 12 program na nagdadagdag ng dalawang taong pahirap sa mga mag-aaral at mga magulang? Libo-libong titser ang mawawalan ng trabaho dahil sa K to 12, matuwid ba ito?

Ito ba ang klase ng administrasyon na gusto nating ipagpatuloy ng Liberal Party? ‘Wag na tayong magtaka kung lumobo ang bilang ng mangmang at bobotanteng Pinoy sa pag-usad ng mga panahon. Ibig sabihin, hindi mapuputol ang pagsasamantala at pang-aabuso ng mga mandarambong na politiko kapag dumami ang walang kakayahang makapag-aral na aasa sa kanila tuwing eleksiyon kapalit ng boto.

Binay, ‘basted’ kay Grace Poe

BINUTATA na ni Sen. Grace Poe ang ambisyon ni VP Jojo Binay na maging running mate niya sa 2016 elections. Sabi ng anak ni FPJ, magkaiba sila ng estilo ng public service ng tatay ni Sen. Nancy Binay.

Naniniwala si Sen. Grace sa katapatan at pagiging bukas para mabusisi ng taumbayan na taliwas sa ipinamamalas na pamamahala ni Binay. Ang kursunada kasi ni Binay ay huwag kilalanin ang mga insitutusyon ng pamahalaan na nagbubusisi sa kanyang kayamanan.

Masahol pa si Binay sa “diktadurang Marcos” na ginamit niyang paraan sa panloloko para matupad ang ambisyong makapasok sa gobyerno. Si Binay ay modelong ehemplo ng ‘palsipikadong aktibista’ na nabago ng kinang ng salapi at kapangyarihan ang paninindigan.

Serbisyo-panlololoko ng internet sa ‘Pinas

PANGALAWA sa may pinakamabagal na internet service ang Filipinas pero pinakamahal ang bayad. Ayon sa ginawang pag-aaral, pangalawa sa pinakulelat pagdating sa bilis ng internet ang ating bansa, sunod sa Afghanistan. Hindi ba tinatablan ng kahihiyan si Manny V. Pangilinan dahil ang monopolyado niyang serbisyo ay kabilang sa pinakapalpak sa buong mundo? Ibig sabihin, panay lang ang kabig ng mga negosyong hawak ni MVP pero walang maayos na serbisyong ipinagkakaloob sa mahihirap na consumer na pinagkukunan niya ng kabuhayan. Mas lalo sigurong dapat mahiya ang administrasyong Aquino dahil ang mga tulad lang ni MVP ang nakikinabang sa ipinagmamalaking pag-unlad ng ekonomiya, habang ang mayorya ng populasyon ay patuloy ang paglubog sa kahirapan.

Bakit kaya biglang natahimik si Sen. Bam Aquino sa imbestigasyon ng Senado sa isyung ito?

Tsk, tsk, tsk… alam na natin kung sino ang mag-aambag ng pondo sa campaign kitty ni Sen. Bam.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *