Wednesday , December 25 2024

Ang daan sa impyerno ay pinatag nang mabuting layunin

USAPING BAYAN LogoNAGPRESINTA ang boksingerong si Congressman Manny Pacquiao kay House Speaker Feliciano Belmonte para maging pinuno ng House Committee on Overseas Filipino Workers Affairs na nabakante kamakailan matapos magbitiw ang dati nitong pinuno na si ex-Akbayan Party-List Rep. Walden Bello.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Pacquiao para magpresinta o kung sino ang nagsulsol sa kanya para kausapin si Speaker Belmonte at hingin ang posisyon ng chairmanship ng Committee on OFW Affairs gayong mas matagal ang inilalagi niya sa larangan ng boksing at iba pang interes kaysa kongreso. Bukod pa sa pagiging pala-absent (108 lamang mula sa kabuuang 168 na sesyon ng ika-16 Congress ang kanyang pinasukan) ay malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na sa boksing lamang mahusay si Pacquiao.

Walang halong panliliit pero si Pacquiao ay walang karanasan o kaalaman sa pagpapatakbo ng isang komite dahil nga pala-absent siya. Kung baga sa isang mag-aaral ay bulakbolero si Pacquiao…paano nating maaasahan ang isang bulakbolerong pinuno ng komite, isang komite na may kinalaman sa buhay at kamatayan ng ating OFWs? Isusugal ba natin ang buhay ng mga kababayan natin sa isang tulad niya? Bilang congressman ay sayang ang pasahod natin kay Pacquiao.

Siguro ipakita muna niya ang kakayahan niya bilang representante ng kanyang distrito bago niya ambisyonin ang isang sensitibong posis-yon. Maging totoong congressman muna siya sa nalalabing panahon ng sesyon ng Kamara. Baka ang mangyari niyan kung si Pacquiao nga-yon ang hahawak ng Committee on OFW Affairs ay puro pray over at visitation (pasyalan o suroy-suroy) lamang ang mangyari sa komite.

Maaring malinis ang hangarin ni Pacquiao sa kagustuhan niyang maging committee chair pero huwag natin kalilimutan ang isang matandang kasabihan: Ang daan sa impyerno ay pinatag ng mabubuting layunin (The road to hell is paved with good intentions).”

* * *

Ang matandang kasabihan na binanggit ko kaugnay nang mabuting layunin ay maaari rin maging gabay natin sa pagpapasya kung sino sa 2016 ang karapat dapat na mamuno sa ating bayan. Suriin natin ang mga kandidato sa lilim ng kasabihangito.

 Hindi sapat ang mabuting layunin o katapatan lamang bilang kuwalipikasyon sa pamumuno, kailangan rin nang talino at karanasan. Hindi natin kailangan nang walang alam at mag-o-on the job training (OJT) pa sa poder o ‘yung tipong student council ang style sa pamamalakad tulad ng katangian ng kasalukyang espesyal na administrayong Aquino.

Ang kailangan natin sa yugtong ito ng ating kasaysayan ay ‘yung taga’ sa panahon.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subd. Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City, Laguna. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala ng mensahe sahttps://www.facebook.com/privatehotspringresort?fref=ts para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *