Friday , November 15 2024

Tulak tigbak sa parak (Bigtime drug dealer nakatakas)

PATAY na bumulagta ang isang notoryus na drug pusher makaraan makipagbarilan sa mga awtoridad habang nasakote ang kasabwat niyang babae sa police operation sa Brgy. Minuyan 1, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ang napatay na si Sam “Pogi” Pangandaman, 24, habang ang naarestong kasabwat ay kinilalang isang Arlene Absalon, 22, parehong nakatira sa Block 29, Road 2 sa nabanggit na barangay.

Sa ulat mula kay Supt. Charlie Cabradilla, hepe ng SJDM City police, sinalakay ng Lambat/Sibat Trackers Team ang Mayer’s Apartment makaraan makatanggap ng impormasyon na nagtatago roon ang wanted na si Amir “Tangkad” Manda, may warrant of arrest sa kasong double murder.

Si Pangandaman ay tauhan ni Manda na siyang pangunahing suspek sa pamamaril at pagpatay sa dalawang pulis na sina PO2 Arsil Nasir at PO1 Freddie Claro noong Oktubre 2014.

Papasok pa lamang ang tropa ng pulisya sa nabanggit na lugar nang magkabakbakan hanggang mapatay si Pangandaman habang nakatakas ang wanted na si Manda.

Micka Bautista

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *