Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, tinanggap ang movie with Herbert para magkaroon ng closure

 

051815 herbert kris

00 fact sheet reggeeANG tsikang gagawa ng pelikula sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino ay totoo na pala. Ang alam namin ay kuwentuhan lang na nauwi na pala sa totohanan.

Nakunan ng ABS-CBN news ang story conference nina Bistek at Tetay kasama ang direktor na si Antoinette Jadaone sa Star Cinema office noong Biyernes.

Naibahagi ni Kris na muntik nang hindi ituloy ang movie project with Mayor Herbert dahil ayaw ng bunsong anak na si Bimby.

”Kasi sabi ni Bimb, ‘Mama, he broke your heart and he’ll break your heart again’.”

At pinaliwanagan daw ng Queen of All Media ang anak, ”please let me do this honey, kasi your mama needs closure.”

Ibinaling naman ni Kris ang tanong kay Herbert kung bakit siya pumayag na gawin ang pelikula, ”why did you say yes?” na kaagad namang sinagot ni Mayor ng, ”because of you.”

Mabilis na sagot ng TV host, ”tatanggi ka ba sa akin, tinanggihan mo nga ako, eh.”

Ibinuking ni Kris na inalok pala siya ng kasal ni Herbert noong sila pa, pero bigla nitong binawi at nakipaghiwalay.

Jasmine Lee, ‘di puwedeng dumalaw sa shooting

051115 Jasmine Lee herbert bautista

Pero okay na raw sila ngayon dahil kung hindi ay hindi papayag si Kris na makasama si Bistek sa project.

“Kasi I’ve never done something like this. Lahat ng projects ko, lahat ng festivals mula noong nag-movie ulit, from ‘Mano Po’ down the line, I’ve never been able to do a full-length romance.

“And you have to put that into perspective, eh. Sa edad ba naman namin, akalain pa ba namin na mayroong adult romance na puwedeng maganap. Why not?

“Kaya ano, sinabi ko na, ‘You will continue to challenge yourself,’ and it was something na gusto ko talagang gawin.

“Siguro test ko rin sa sarili. Sa personal na buhay okey na ako, kasi kung sa personal na buhay hindi ako okey, hindi ko ‘to gagawin dahil baka naman every day after shooting umuuwi akong umiiyak.

“Pero ngayon excited na ako dahil feeling ko every day after shooting, nakatawa na ako,”mahabang paliwanag nito.

At ang pakiusap ni Kris habang sini-shoot ang pelikula nila ni HB, ”No friends, staff lang. Phone friends. Baka kasi may paliparin siya from Korea.”

Si Jasmine Lee na biyuda na ngayon sa napangasawang Koreano ang tinutukoy ni Tetay na nali-link kay Herbert.

“Hindi sinasabi ko lang. I’m not jealous,” tumawang sabi ng Queen of All Media.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …