NAGBABALIK ang search for Mr & Miss Campus Face 2015 pageant para sa mga estudyante na magkakaroon ng screening para sa mga good-looking student (currently enrolled in a reputable school or university sa Pilipinas), 17 to 22 years old sa June 13 sa Cebu (Elizabeth Mall Activity Center, 11:00 a.m.-6:00 p.m.). Kasabay nito ang screening sa Puerto Princesa.
May screening ding magaganap sa Tarlac sa June 20 (11a.m.-6p.m.) sa Activity Center ng SM City Tarlac. Sa June 27 naman ay sa Manila, Lucena at Calamba (venue to be announced) ang screening.
Bukod sa good looks, kailangang talented, witty and smart ang mga sasali, at least 5’8 ang height sa mga lalaki at 5’5 sa mga babae. Dalhin lamang ang current enrollment card, NSO birth certificate, at isang 3R close-up photo.
Ang grand finals para sa Visayas at Cebu candidates ay gaganapin sa July 18 sa The Stage, Elizabeth Mall sa Cebu @ 6:00 p.m..
Ang national grand finals/coronation night naman ay gaganapin sa July 31 sa Music Museum sa Greenhills, San Juan. Dito ay ipakikilala ang fresh talent from Calgary, Canada na si Simone, isang young singing sensation, bukod pa sa celebrities, media guests, at beauty queens na dadalo sa patimpalak.