ni Alex Brosas
NAPANOOD namin ang Meet The Mormons recently at natuwa kami’t hindi hard sell ang pelikula na tungkol sa buhay ng mga Mormons or devout members of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.
Inspiring ang six stories na ipinakita sa movie.
Carolina Munoz is from Costa Rica na isang head coach and certified weight lifting, cross fit endurance and gymnastic instructor na pinagsabay ang fitness at quest for word of God. Ang ganda ng samahan nila ng kanyang asawa na naging trainer pa niya sa sport.
Teary-eyed kami kay Gail S. Halvorsen from Salt Lake City, Utah, isang piloto na namimigay ng candies sa mga bata. Akala niya ay mapapagalitan siya sa kanyang ginawang pamimigay ng candies mula sa eroplano pero hindi pala. Tinagurian siyang the Chocolate Flyer and the Berlin Candy Bomber.
Si Dawn Armstrong naman ay isang babaeng nanganak at 16 at maraming pinagdaanang pagsubok sa buhay. Si Jermaine Sullivan ay isang higher education worker na mahilig tumulong sa mga nangangailangan. Si Bishnu Adhikari from Nepal is a civil engineer na tumulong sa mga mahihirap doon. Marami siyang ipinatayong paaralan at water reservoir para sa mga mahihirap sa Nepal.
Go watch the movie which will star screening today, May 22.