Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magkakagalit sa UMD, pinagbati nina James at Wowie

 

ni Roldan Castro

052115  James Salas Wowie De Guzman

PINAGBATI pala nina James Salas at Wowie De Guzman ang dating kasamahan nila sa sikat na all male sing and dance group noong 90’s na Universal Motion Dancers (UMD) sinaNorman Santos at Marco Mckinley pagkatapos magpatutsadahan ang dalawa sa Facebook.

Nagkaayos naman ang dalawa pagkatapos magkaroon ng miscommunication sa fund raising show para kay Norman. Nagkaroon ng malubhang sakit ito sa bato.

Akala ni Norman ay buo umano niyang makukuha ang kinita ng Concert for a Cause for Norman Santos pero naitindihan naman niya noong huli na ibinawas ang expenses sa show na pinamahalaan ni Marco.

Samantala, nagkaroon ng blessings noong Sabado ang bagong opisina na Starnet sa Shaw Blvd. sa Pasig na bagong negosyo nina James at asawa niyang si Cesil , Wowie, at Jerry “Quik” Vilale. Isa itong networking na may products silang iniaalok gaya ng slimming coffee na organic ng sangkap, Guyabano Barley, at Mangosteen Wheatgrass. Noong una ay hindi pa nakumbinse sina Wowie at James dahil 90 percent ay negative ang networking sa Pilipinas. Pero noong makita nila sa previous networking na after six months ay malaki ang kinikita ni Quik at saka lang sila sumunod. Ang ending nagtayo na sila ng sarili nilang business. Ang Starnet ay unang company na conceptualize ng mga artista kaya matatag ang credibility nito.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …