Friday , November 15 2024

Kulang ang supply ng koryente sa Occidental Mindoro

CRIME BUSTER LOGOKINOMPIRMA ni Occidental, Mindoro Governor Mario “Gene” Mendiola na kulang sa supply ng koryente ang kanilang lalawigan kaya ma-dalas silang biktima ng brownout o blackout.

Ang koryente umano sa kanilang lalawigan ay kontrolado ng isang individual na supplier na matagal nang hawak ng isang maimpluwensi-yang politiko sa Occidental, Mindoro.

Isa umano iyan sa dahilan kaya hindi makapasok sa Occidental, Mindoro ang ilang supplier na nais mag-supply ng koryente sa kanilang probinsiya.

Si Gov. Mendiola ay nakapanayam ni Noli de Castro kahapon ng umaga sa kanyang re-gular na programa sa KABAYAN sa DZMM-Te-leradyo na sinagot ng gobernador ang ilang katanungan tungkol sa shortage ng koryente sa kanyang nasasakupang lalawigan.

Ang Occidental, Mindoro ay katapat ng Batangas City. Dagat ang pagitan ng dalawang probinsiya. Sasakay muna ng barko o RORO bago makarating sa Mindoro na ang biyahe sa laot ay tumatagal nang dalawang oras.

Ang Occidental, Mindoro ay mayaman sa iba’t ibang natural resources. Mayaman sila sa agrikultura. Nasa kanila ang ilang malalaking minahan ng ginto.

Tulad ng lalawigan ng Oriental Mindoro, maaaring kulang lang sila sa suporta ng national government.

Koryente ang nagpapaandar sa ekonomiya ng isang bansa. Kung walang koryente, bagsak ang ano mang uri ng negosyo. Marami ang mawawalan ng trabaho at magugutom.

Dapat ipaglaban ng mga mamamayan sa Occidental, Mindoro ang kanilang karapatan na magkaroon nang maayos o sapat na supply ng koryente sa kanilang pamayanan.

Malapit na naman ang 2016 national elections. Huwag na kayong magpabola sa mga politikong bolero at nangangako.

Fresnedi vows to help parents with school supplies

PARENTS in Muntinlupa can be relieved from spending money for school supplies as the City Government commits to provide the former for public school students.

Mayor Jaime Fresnedi announced that the local government, through the Department of Education will be aiding basic school supplies to public elementary and high school students in the city.

Almost 52,000 public elementary students are set to receive school supplies such as notebooks, writing pads, pencils and others before the school year in June starts. High school students in public secondary schools will receive bags.

“This arrangement hopes to be of help to parents and guardians who works hard for their children to obtain education,” Fresnedi said.

Muntinlupa City Technical Institute director Francis Santella said their campus also pledged to extend help by manufacturing school uniforms for Grade 1 pupils. Santella said MCTI’s 80,000 sewers thrust to finish 17,000 sets of uniforms.

Schools Division Superintendent Mauro de Gulan expressed gratitude to the local chief in the synergy of LGU departments in serving Muntinlupa’s young learners.

De Gulan also reminds parents of the dry-run orientation on May 28-29 in which distribution of textbooks, coordination of sections, and meeting with parents will take place.

He said that with the orientation, class proper will start in June 1. The pro-active training is part of the city’s preparation for the transition of K+12 program.

Brigada Eskwela 2015 has also officially started which aims to clean up school facilities. Cash for Work Program of Department of Labor and Employement beneficiaries along with school officials and students work together in the duration of the clean-up drive from May 18-23.

Fresnedi administration continues to give all-out support to locals’ schooling in putting prime importance to education of constituency.

Suportado ni Peewee to Onie Bayona

DESIDIDO na si Onie Bayona na balikan ang muling pagkandidato niya sa konseho ng Pasay City sa darating na May 2016 national elections.

Ang pagbabalik ni Onie sa 2nd district ng Pasay ay base sa kanilang napag-usapan ng kanyang pinsan na si ex-Pasay City Mayor Peewee Trinidad.

Nangako umano sa kanya si Peewee na nakahanda niyang suportahan sa nalalapit na halalan ang kandidatura ni Onie sa ikalawang district ng Pasay.

Sa political record ni Onie, two times siyang na-elect na city councilor sa Pasay sa panahon na ang alkalde sa lungsod ay kaibigan nating si Mayor Peewee.

Sa kasalukuyan ay ipinagpapatuloy pa rin ng dating pulis-Pasay ang kanyang serbisyo publiko.

Goodluck Onie!!!

Padaplis lang!!! Racket sa working permits

NGAYONG nabuko na walang Fire Safety Inspection Clearance certificate mula sa Bureau of Fire Protection ang nasunog na pagbrika ng tsinelas sa Valenzuela City, na ikinasawi ng 72 manggagawa, dapat din busisiin ng DILG at ng DOLE ang racket ng ilang munisipyo sa pag-iisyu ng working permits sa mga nag-a-apply ng trabaho.

Sa mga nightclub, karaoke bars, at iba pang bahay aliwan, nakapagtatrabaho sila nang walang kaukulang working permits na ang hawak na papeles ay puro ‘pangako’ o temporary working permits, kapirasong papel na ibinibigay sa kanila ng taga-BPLO.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *