Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Julie Anne, ipinalit kay Bea bilang ka-loveteam ni Jake

ni Roldan Castro

052115 julie anne Jake bea

MAY kapalit na si Bea Binene bilang katambal ni Jake Vargas pagkatapos nilang mag-split.

Pagsasamahin sa isang serye sina Jake at Julie Anne San Jose.

Marami ang nagtatanong kung bagay ba ang dalawa dahil matangkad si Julie Anne at may kailitan si Jake.

Balitang sinubukan nilang magkaroon ng look test at sinabihan ni Julie na dayain na lang ni Jake sa pagsuot ng sapatos. Lagyan niya ito ng takong sa loob.

Okey lang ba sa kanya na ka-partner si Jake?

“Okey lang naman po sa akin kasi nakakasama ko naman po siya (isang sitcom sa GMA) so, I think wala naman pong magiging problema,” bulalas niya nang makatsikahan namin siya sa kanyang birthday fans day sa Studio 1 ng GMA 7.

Paano kung ligawan siya ni Jake?

“Ahhh, hindi ko po alam, eh. Huwag muna po siguro, trabaho lang muna,” pakli ng aktres-singer.

Paano kung awayin siya ng fans ni Bea?

“Naku, wala naman po ako roon sa ano nila. Labas po ako roon,” sambit pa niya.

“Talaga naman po na undeniably marami silang fans and followers. Wala naman po akong intensiyon na ano, alam mo ‘yon,” dagdag pa niya.

Anyway, 21 na ngayon si Julie Anne. Ready na ba siyang mag-pose ng sexy at maging cover sa isang men’s magazine?

“’Pag mayroon po, hindi ko po tatanggapin?,” sey niya.

“Ewan ko po . Hindi ko lang siguro feel,” bulalas niya.

Hindi pa handang makatrabaho sina Elmo at Janine

052115 Elmo Janine  julie anne

Tinanong din si Julie Anne kung ready na ba siyang makatrabo sa isang project sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

”Ako, wala pong problema roon but I think, not right now,” mabilis niyang tugon.

Hanggang ngayon ay inaaway pa rin si Janine ng fans ni Julie Anne pero hindi naman daw niya kontrolado ‘yun.

Kung sina Jake at Bea ang makakasama niya?

“Sakto lang naman po ako kahit sino at ano po, okey ako,” sagot niya.

Pak!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …