Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sen. Ping Lacson, malambot ang puso para sa mga apo

 

051315 Ping Lacson

00 Alam mo na NonieKILALA si former Senator Ping Lacson na isang masipag na public servant at bilang super cop.

Kaya nga naisapelikula na ang buhay niya bilang dating PNP chief. Ito’y sa pelikulang Ping Lacson: Supercop noong 2000 na pinagbidahan ni Rudy Fernandez. Ang 10,000 Hours noong 2013 na pinagbidahan ni Robin Padilla ay isang fictionalized account naman ng kanyang pagtatago hindi bilang presidentiable, kung hindi isang pugante nang gipitin siya ng administrasyon ni former President Gloria Arroyo dahil sa mga expose ng dating senador.

Kaya talagang parang showbiz ang buhay ni Sen. Lacson, kontrobersyal pero ins-pirational din at the same time. Pero, mayroong iba pang side si Sen. Ping na hindi pa pamilyar ang marami, ito ang kanyang pagiging family man.

“Mahirap maging public servant. It takes much of you, lalo sa pamilya mo. Pero, I am a believer in having quality time. Kung makakaluwag, I would want to be with my wife, my kids, lalo na ‘yung mga apo ko,” wika ng kilalang lider.

Aminado naman ang senador na madalas siyang biruin tungkol sa pagiging kasing kulay ng showbizworld ang kanyang buhay. “Para raw akong artista dahil palagi ako nahe-headline!” kaswal niyang bungad.

Hindi naman ito kataka-taka talaga dahil dalawa na ang kanyang apo na bunga ng paki-kipagrelasyon ng kanyang junior na si Pampi sa mga aktres na sina Jodi Sta. Maria at Iwa Moto.

Ikinatutuwa ba niya ito na nagiging mas ‘showbiz’ na ang kanyang buhay- publiko? “Halos pareho ang entertainment world at saka politika. Sa magnitude lang nag-iiba,” saad pa ng da-ting rehabilitation czar dahil sa bagyong Yolanda.

Sinabi ni Sen. Ping na nag-e-enjoy siya sa pagiging lolo sa dalawang apo. Noong nakaraang Pasko ay niregaluhan niya si Thirdy ng iPhone dahil dream phone ito ng bata. Samantala isang Hong Kong holiday naman ang bigay niya sa isa pang apo na si Mimi.

Ganito ang iba pang side ni Senator Ping, isang typical na lolong mapagmahal sa mga apo. Itinuturing kasi niyang priceless ang ganitong moment sa kanilang pamilya. “Para sa akin, I want them to remember me as a lovingly strict lolo,” nakatawang saad niya.

“Magdisiplina man ako, nandoon pa rin ‘yung pagmamahal. The way Alice and I brought up Ronald, Pampi and Jeric. Kahit hanggang ngayon, if any of my sons are wronged, una akong umaalma, kahit malalaki na ang mga iyan,” dagdag ng da-ting senador.

ni Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …