ni Dominic Rea
SUNOD-SUNOD ang pa-presscon kay Maja Salvador. Mula sa ine-endosong nitong Sisters Sanitary Napkin ng Megasoft Hygienic Products ay inilunsad kamakailan ang kanyang 2nd album entitled Maja In Love under Ivory Records na kumikita na rin ngayon ang sales sa mga record bar nationwide.
At last Saturday naman ay nagpatawag ng presscon ang Star Cinema at Regal Entertainment para sa kanyang You’re Still The One movie with Richard Yap and Dennis Trillo na mapapanood na sa May 27! Meaning, pagkatapos ng bagyo sa kanyang buhay pag-ibig, kitang-kita namang nakapag-move-on na nga siya.
Kung tutuusin ay mas maraming bagay pang dapat ipagpasalamat si Maja kaysa atupagin ang lovelife kahit very vocal na ito ngayon sa pagsasabing she’s single.
Nang tanungin naman ang aktres kung ano natutuhan sa kanyang past relationship, naging maboka ito sa pagsasabing wala siyang regrets!
“Ganoon lang naman po ang buhay. Kahit ano pa po ang mga nangyari, anuman ‘yan, alam ko sa sarili kong ‘am worth loving!” bulalas pa ni Maja.