Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ina patay sa anak dahil sa posporo

DIPOLOG CITY – Patay ang isang ginang makaraan saksakin ng sariling anak dahil sa posporo sa Brgy. Bayabas Bethlehem, Polanco, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Letecia Aviles, 51, habang ang suspek ay si Marvin Aviles, 27-anyos, kapwa residente sa naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, bago nangyari ang krimen, masayang nagbibiruan ang suspek, kanyang kapatid at tiyuhin sa loob ng kanilang bahay.

Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang biktima at nagtanong kung nasaan ang posporo na naging dahilan ng kanilang mainit na pagtatalo.

Sinundan ng suspek ang ina sa kusina at pagkaraan ay narinig ang sigaw ng biktima.

Makaraan ito, bumulagta sa kanila ang duguang biktima na may tatlong tama ng saksak sa katawan.

Sinasabing isang hunting knife ang ginamit ng suspek sa pagpaslang sa sariling ina.

Agad naaresto ang suspek makaraan ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

Goitia

Goitia Walang Puwang ang Pananakot, Hindi Uurong ang Soberanya at Katotohanan ng Pilipinas

Ang Tangkang Pagsupil sa  Katotohanan ay Kalapastanganan Ang  naging palitan ng pahayag nina Commodore Jay …

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …