ni Roland Lerum
NAGKABATI na si Heart Evangelista at ang kanyang mommy na matagal din siyang tinikis. Hindi nga ito sumipot sa kasal niya dahil hate pa nito sa Chiz Escudero. Pero kamakailan sa isang talk show, inamin niyang nag-uusap na sila ng kanyang ina. Paano ang nangyari at nagkabati na sila?
“Nag-advance Happy Mother’s Day kasi ako sa kanya sabay pakiusap na turuan niya akong gumawa ng polvoron. Pumayag naman siya at nang magpunta ako sa bahay ng Mommy ko, basta ganoon lang. Ni hindi na namin pinag-usapan ang nakaraan. Natuwa naman ako at parang wala ng tampuhan sa aming dalawa. Tapos sabi ko, turuan din niya akong gumawa ng empanada sa susunod. Okey naman sa kanya.”
Simula pa lang naman ang muling pagbabalik ng relasyon ng mag-ina na pinag-usapan sa apat na sulok ng showbiz. Baka sa susunod na pagpunta sa kanyang Mommy, isama na ni Heart ang kanyang mister na si Senator Chiz. Para ang ending all is well that ends well.