Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dr. Yalung, nagbalik-‘Pinas nang maging dalubhasa na!

 

ni Pilar Mateo

052015 Dr Eric Yalung

FOREVER young! Sa Miami, Florida in the US of A muna pala namalagi si Dr. Eric Yalung for his tenure as medical consultant ng Regenestem. At nang maging dalubhasa na siya sa larangan ng Cosmetic Surgery, eto na siyang muli sa bansa at binuksan na ang Regenestem Manila—na una nilang branch sa Asya.

Kinikilala ang Regenestem sa North America bilang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan at makabagong sentro na dalubhasa sa Regenerative Medicine, Sports Medicine, Pain Management, Molecular Orthopedics, at Cell-Based Therapy. Bahagi ang Regenestem Manila ng Global Stem Cell Group, na isang international company na ang layunin ay magbigay ng komprehensibo at pinaka-makabagong stem cell treatments sa kanilang mga pasyente mula sa iba’t ibang parte ng mundo. Ang state-of-the-art medical center sa Regenestem Manila ay binubuo ng mga dalubhasa at espesyalista mula sa pamumuno ni Dr. Yalung bilang Medical Director.

Nakasisiguro na ligtas at pinaka-makabagong teknolohiya ang gamit ng Regenestem Manila dahil dala-dala nila ang expertise sa larangan ng Regenerative Medicine, Sports and Arthritis Medicine, Molecular Orthopedics, Cosmetic Surgery, Anti-Ageing, at Dermatology.

Isa sa sentral na adbokasiya ng Regenestem Manila ay ang ipakilala sa bansa ang mabisa, mabilis, at makabagong treatment ng arthritis na isa sa pinaka-masakit na karamdaman na hindi namimili ng edad at kasarian sa tinatamaan. Kasama sa treatment na ginagawa ng Regenestem Manila ang paglapat ng pagpapagaling sa iba’t ibang orthopedic conditions at injuries.

Dahil maraming Pinoy ang mayroong arthritis, and non-surgical cell-based arthritis therapy ng Regenestem Manila ang kasagutan sa nasabing karamdaman. Dito mawawala ang pananakit ng mga joint pain na inirereklamo lalo na ng mga senior citizen. Ginagamit dito ang tricell growth factor therapy, marrow stimulation technique therapy, joint plasma jelly, cellular scaffold based therapy, at mesenchymal stem cell therapy. Kaya ang mga may injury din na konektado sa sports ay kaya ng mabigyang lunas.

Sa kasalukuyan, mayroon ding Regenestem clinics sa Amerika, Mexico, Dubai, Argentina, at Chile. At dito sa bansa, bukod sa una nilang branch sa 2/F Belson House sa 271 EDSA corner Connecticut, Mandaluyong, magbubukas na rin sila sa Cebu sa buwang ito.

For more information, visit their website at www.regenestem-manila.com o sundan sila sa @regenestemph sa Twitter at i-like naman ang Regenestem PH sa Facebook.

Kung gusto ng gumawa ng appointment, tumawag sa 245-2200, 09175414164 and 09175639331 or e-mail at [email protected]

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …