BINATIKOS ng Makabayan bloc ang Malacañang version na tinawag na railroaded Bangsamoro Basic Law (BBL) dahil sa pagkabigong ibigay ang buo at tunay na awtonomiya sa Bangsamoro people. Bigo rin itong tugunan ang socio-economic causes ng armadong tunggalian sa Mindanao.
Ayon sa Makabayan bloc sa pangunguna ni Rep. Neri Javier Colmenares ng Bayan Muna Party-list, sa apat pahinang analysis sa BBL, hindi sapat at hindi ganap na natugunan ang layunin para sa nakikibakang Bangsamoro and indigenous peoples dahil hindi buo kundi limitado ang ipinagkakaloob ng BBL na awtonomiya; ang tunay na awtonomiya ay hindi magiging posible sa neo-colonial, semi-feudal and corrupt state and ruling system; at hindi natugunan ng BBL ang social and economic roots ng kahirapan at kawalang katarungan sa rehiyon.
Binatikos din ng Makabayan solons ang anila’y pakikialam ng Malacañang sa committee voting sa BBL, inapura ang nasabing panukala at hindi ganap na batid ng mga mambabatas kung ano ang nangyayari kaya hindi naipatupad ang ‘transparency and procedure.’
“This situation was forced upon by the majority by cancelling last week’s amendments but rammed a Malacañang- version which was just given early yesterday. This also seems to be a prelude of the final voting. The majority essentially bulldozed the Malacañang version of the BBL and ran over the amendments of congressmen. They also wasted the 48 hearings of the ad hoc committee and imposed what the Palace wants,” pahayag ng Malacañang bloc.
Akusasyong ini-railroad ni PNoy pinalagan
UMALMA ang Palasyo sa akusasyon ng mga militanteng kongresista na si Pangulong Benigno Aquino III ang utak sa pag-railroad o pag-shortcut sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., matagal nang tinalakay sa publiko ang BBL kaya’t hindi makatuwiran na pagbintangan ang Pangulo na minamadali ang pagpasa nito.
Nagdaos din aniya nang malawakang konsultasyon ang Ad Hoc Committee para higit pang maunawaan ng mga mamamayan ng Mindanao ang layunin ng BBL.
Mas lalo pa aniyang tinalakay ang BBL bunsod ng mga pagdinig hinggil sa Mamasapano incident. Pinuna ng ilang grupo at mga kritiko ang tila pagiging masigasig ni Cong. Rufus Rodriguez na maipasa agad ang BBL makaraan mapaulat na inabot ng madaling araw ng Lunes ang mga kongresista na nagtungo sa Malacañang noong Linggo.
Rose Novenario