SA panahon ni dating Customs commissioner John Sevilla, bumili ng mga CCTV camera worth millions ang inilagay sa kapaligiran ng Port of Manila upang i-monitor ang mga nangyayari inside customs premises specially sa Assessment area.
Madalas may nangyayaring ‘bigayan’ during processing sa mga dokumento ng importer/broker.
May balita tayo na may plano na naman bumili ng CCTV cameras worth P138 millions na ilalagay umano sa lahat ng pantalan ng customs.
Ang concern ng marami sa Customs, hindi malaman kung sino ang hahawak at responsable sa operation ng CCTV sa POM.
Ang tanong ko lang po, bakit hindi ang BOC- ENFORCEMENT and SECURITY SERVICE group ang namamahala sa mga inilagay na CCTV sa mga pantalan ng customs?
Under the TCCP law, sa kanilang mga kamay ibinibigay ang karapatan to secure and protect the safety ng mga taga-customs and properties.
Tama ba o mali?
If ever na may ongoing crime on progress na makikita sa mga inilagay na CCTV cameras, can this people handling the CCTV now react on the actual situation?
For sure ay hindi, ‘di ba!?
They will inform the customs police (ESS) but it might be too late for them to take action.
The customs police can do it and react faster, dahil sila ay well equipped and fully armed and has trained to defend customs in any untoward incident inside customs compound.
‘Yan ay kung sila ang may hawak ng CCTV.
Commissioner Bert Lina and DepCom. Ariel Nepomoceno, hindi po ba, mas tama na pahawakin sa operation ng CCTV ang customs police?
Mahirap naman ipagkatiwala ‘yan sa mga kulang sa training na personnel, ‘di ho ba?