Sunday , December 22 2024

Pacquiao agaw-pansin sa BBL hearing (Ipinakilalang nanalo vs Mayweather)

AGAW-PANSIN ang biglang pagdating ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa ginaganap na pagdinig ng House ad hoc committee on the Bangsamoro para sa Bangsamoro Basic Law (BBL).

Kung maaalala, kagagaling lamang sa operasyon ng kanang balikat ni Pacman sa Los Angeles makaraan ang laban kay Floyd Mayweather Jr.

Dumating siya noong nakaraang linggo at ginawaran ng hero’s welcome sa Metro Manila at sa kanyang lugar sa General Santos.

Dumating si Manny sa pagdinig ng komite sa Kamara na naka-coat ngunit naka-sling support pa rin ang kanyang kamay.

Ipinakilala siya ng ad hoc chairman na si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, bilang kampeon na nanalo sa laban kay Mayweather.

Binati niya si Pacquiao ng “congratulations” na sinundan nang palakpakan ng mga kasama.

Tampok sa ika-49 hearing ng ad hoc committee ang pagboto sa bawat probisyon ng kontrobersiyal na panukalang batas.

Mainit ang balitaktakan dahil sa ilang mga pagkontra nina Bayan Muna Party List Rep. Neri Colmenares, at Zamboanga Rep. Celso Lobregat.

Kabilang sa kanilang mga reklamo ay ang nabalewala anilang amyenda nila.

Si ACT Partylist Rep. Antonio Tinio ay mayroon din ilang mga hirit na pagtutol.

Sa isang pagkakataon, tinawag ni Rodriguez si Pacquiao at tinanong kung ano ang kanyang boto sa pinag-uusapan.

Sumagot si Manny sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kaliwang kamay.

Nasa 63 ang congressman na dumalo kaya may quorum ang pagdinig.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *