NOONG isang taon, naging masalimuot sa mga balita ang ‘away’ mag-ama hinggil sa sino ang dapat na ‘maghari’ sa Harbour Centre Terminal Inc. (HCPTI).
Katunayan, pinasok at hinawakan ni Reghis Romero ang HCPTI at pilit na inalis ang kanyang anak na si Michael sa kompanya.
Pero bago ang take-over blues ng ama, noong taon 2003 si Michael ang namahala sa HCPTI at nagawang patakbuhin nang maayos ang kompanya at ito ay kanyang napagpatagumpayan – ‘ika nga ay kabilang ito sa isa pinakamatagumpay na kompanya sa Pilipinas.
Ayos ha! Galing naman!
Pero noong isang taon, si Reghis na ang namahala at nawala na sa paningin si Michael.
Kaya nagkaroon ng labanan sa korte ang mag-ama para malaman kung sino ang mas may ‘K’ sa kanila para patakbuhin ang HCPTI.
Sa sunod-sunod na labanan sa korte, idineklarang kampeon ang batang Romero.
Sa desisyon na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court, si Michael ang lumabas na tunay at legal na nagmamay-ari ng HCPTI sa Manila.
Sa desisyon ni Judge Silvino Pampilo Jr., ng Manila RTC Branch 26, kinilalang si Michael ang tunay na may-ari ng HCPTI.
Sa kanyang desisyon sinabi ni Pampilo na “this court recognizes the authority of the Movant’s Board of Directors to which Michael L. Romero belongs, and their authority to act for and in behalf of HCPTI…”
Kinilala ng korte ang dalawang Deeds of Assignment ni Reghis na kumakatawan sa 689,294,652 shareholdings o 68.11 percent na kanyang ibinenta sa HCPTI mula sa kanyang RII Builders at RII Holdings.
Dahil dito, wala talagang karapatan si Reghis na pamahalaan ang HCPTI dahil wala siyang legal na awtoridad.
“Notably, plaintiff did not bother to refute Movant’s allegations and arguments regarding the 68.11 percent ownership of HCPTI in HCPTI,” sabi ng korte.
Ayon sa korte, “these two Deeds of Assignment to date, remain valid and effective, as the same were not questioned, controverted, much less nullified in a court of law.
“After a careful and painstaking evaluation of the evidence submitted by both groups (Romero and Arellano), the court hereby grants the motion and dismisses the complaint,” desisyon ng korte.
Nag-ugat ang kaso sa isang reklamo na inihain ng isang Alethea Arellano, na nagpakilala bilang assistant manager for port facility maintenance umano ng HCPTI, na naglalayong mabawi ang 15 kotse na nakapangalan sa HCPTI mula kay Michael at iba pa.
Sinabi ng korte na walang karapatan si Arellano na maging kinatawan ng HCPTI para maghain ng kaso.
Dahil sa desisyon ng korte, marahil ay naging malinaw na ang lahat kay Reghis na ang kanyang anak ang tunay na may-ari ng kompanya… base iyan sa deisyon ng korte ha. Kaya, mas maigi siguro sir Reghis na suportahan na lamang ninyo ang inyong anak para maisaayos na muli ang pagpapatakbo sa kompanya.