ni Pilar Mateo
Samantala, nagsalita rin si Ms. Wilma Galvante by saying na sa tagal na nga niya sa business na ito, when it comes sa projects na gusto nilang i-launch, alam naman niya kung sino rin ang mga babagay sa gaya ng Baker King na talagang inabangan daw nila na mapakawalan ng huling may hawak ng pagpapalabas nito.
And it happened. Kaya kampante si Ms. Wilma na sa palabas na ito na suportado nina Ms. Boots Anson Roa, Joonee Gamboa, Ian de Leon, Yul Servo, at Jackielou Blanco—mas mapapa-angat pa ang mga karater nina Mark, Shaira Mae, Inah Estrada, Nicole Estrada,Akihiro Blanco, at Malak!
NAG-AARAL MABUTI NG PAGTA-TAGALOG
Ayon kay Mark, hindi niya tinantanan ang pag-i-improve sa sarili, lalo na ang tamang pagbigkas ng salitang Tagalog kaya unti-unti na raw siyang nahasa sa pagsambit nito.
Para naman maging si Takgu, bukod sa pag-aaral ng baking with matching stunts workshop with Akihiro, pati ang pag-e-emote eh hindi niya binitawan. At pinanood niya all the episodes ng original series.
Pasok pa rin ang loveteam nila ni Shaira Mae (Sunshine) na ikatutuwa tiyak ng mga sumusubaybay sa “Shark”. Pero kaabang-abang ang magiging karakter ni Inah as Eunice rito.
Why is Mark totally ecstatic?
”Me and Shaira are really enjoying working together. Yes, kilig kami sa title na ‘Kilig Prince and Princess’. For me, it helps na hindi rin muna namin inihahalo ang personal life with our work. Focus muna. There are still a lot to prove to everyone!”
Bread. Life. Bread of life. Metaphors will surface in this adaptation of a well-loved Koreanovela!