Friday , November 15 2024

Imbestigasyon vs Mison hiniling kay de Lima (Sa ‘entry for a fee, fly for a fee’ racket)

051915 FRONTNANAWAGAN ang mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) kay Justice Secretary Leila de Lima na imbestigahan ang alegasyong pagkakasangkot ni Commissioner Siegfred Mision at iba pang immigration officials sa multimillion-peso “entry for a fee, fly for a fee” racket sa bureau.

Sa nasabing raket, ang undesirable aliens ay pinahihintulutang makapasok o makaalis ng bansa nang hindi inaaresto kapalit ng suhol o bribe money.

“The justice department, through the National Bureau of Investigation, (NBI) should look deeper into the anomaly even as graft charges have already been filed against Mison before the Office of the Ombudsman,” ayon sa isang empleyado na tumangging magpabanggit ng pangalan sa takot na sila ay resbakan.

Nanawagan din ang grupo kay Mison na mag-leave por delicadeza habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon.

Bukod sa kasong graft, kinasuhan din si Mison ng paglabag sa Republic Act (RA) 6713 (The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees), paglabag sa Administrative Code of 1987, at paglabag sa Commonwealth Act (CA) 613 (Philippine Immigration Act of 1940).

Bukod kay Mison, kabilang din sa kinasuhan sina IO (Intelligence Officer) Lunas at TCEU (Travel Control and Enforcement Unit) De Leon, supervisor Ms. Mariano,  BMSU (Border Management and Security Unit) Flores, isang nagngangalang Cayetano, Office of the Commissioner technical assistant Norman Tansingco, at iba pang John at Jane Does.

Ang kaso laban kay Mison at iba pa ay nag-ugat sa illegal lifting sa blacklist order laban kay Chinese Yuan Jian Chua alyas Wilson Ong Cheng.

Ang reklamo ay inihain sa Ombudsman noong Abril 21 ni immigration intelligence officer Ricardo D.L. Cabochan, residente ng Quiapo, Manila.

Sa kanyang 14-page complaint-affidavit, inihayag ni Cabochan na si Yuan ay inaresto ng immigration official noong Nobyembre 6, 2013 sa Cebu City at nai-deport noong Enero  22, 2014 dahil sa pagiging undocumented alien at “fraudulently representing himself to be Philippine citizen” upang maiwasan ang requirements ng immigration laws.

Kasunod nito, ang pangalan ng Chinese ay isinama sa blacklist order na awtomatikong nagbabawal sa kanya sa muling pagpasok sa bansa sa minimun na isang taon.

Pero nitong Marso 11 (2015), dumating si Yuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal I ngunit hindi pinapasok at ini-exclude dahil ang kanyang pangalan ay nasa blaclist ng BI.

Ngunit makaraan ang isang oras, pinayagan siyang makapasok dahil sa verbal instruction ni Mison sa pamamagitan ng kanyang technical assistant na si Atty. Norman Tansingco.

“…records from the Centralized Query Supports System (CQSS) confirm that he was allowed only on the sole basis that the terminal head in the person of Maria Rhodora T. Abrazaldo was verbally instructed by a certain “sbm” through a certain “Atty. Tansingco,” ayon sa dokumento.

“The initials “sbm” are the customary and official designation/appellation clearly referring to Commissioner Siegfred B. Mison while the name “Atty. Tansingco” refers to Atty. Norman G. Tansingco, technical staff of the Office of the Commissioner,” saad sa dokumento.

Ngunit sa beripikasyong isinagawa sa CQSS nitong Marso 19, (2015) o makaraan ang walong araw nang pahintulutang makapasok ang Chinese, Marso 11 (2015), ang blacklist order na inisyu laban sa kanya ay nanatiling “active,” ang ibig sabihin ay hindi pa naaalis o nakakansela.

Sinabi sa reklamo na basic rule sa immigration practice na ang dayuhan na dati nang ipinatapon ay hindi maaaring muling pumasok sa teritoryo ng deporting State.

“As an exception, upon proper application, the Bureau of Immigration may waive previous deportation order and allow an alien to reenter, provided the reentry and readmission of the alien have been duly approved by the Commissioner of the Bureau of Immigration,” aniya.

Ayon kay Cabochan, ang ‘waiver of exclusion’ ay hindi maaaring palawigin dahil sa ‘express prohibition’ ng Section 29 ng CA 613 sa mga convicted sa paglabag sa Sections 45 at 46  ng nasa-bing batas.

Nakapagtataka aniya, na sa kabila ng katotohanang nakasuhan si Yuan, na-convict at na-deport bunsod ng paglabag sa Section 45 ng CA 613, muli siyang pinayagang makapasok sa pamamagitan ng pagbaliktad sa kanyang ‘previous exclusion.’

Jerry Yap

About hataw tabloid

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *