Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DOLE inisnab ng Kentex (DOLE inisnab ng Kentex, sa ipinatawag na pulong)

HINDI sinipot ng mga kinatawan ng Kentex Manufacturing Corp., pero ibininbin ng mga guwardiya ang mga survivor at pamilya ng biktima sa entrance ng gusali sa ipinatawag na mandatory meeting ng DoLE-NCR kahapon.

Binanggit ni Renato Paraiso, legal counsel ng pabrika ng tsinelas, wala silang dadaluhang pulong sa DoLE dahil walang abiso o komunikasyon mula sa kagawaran. 

Ngunit ayon kay DoLE Dir. Nicon Fameronag, Huwebes pa lamang nang abisohan nila ang Kentex.

Dumalo sa pulong ang kinatawan ng CJC Manpower na sinabing hindi rehistradong sub-contractor ng Kentex.

Ayon sa dumalong kinatawan ng SSS-NCR na si Helen Abolencia, may inihuhulog na kontribusyon ang Kentex para sa mga empleyado ngunit kinompirma na bagama’t kinaltasan ng kompanya ang ilang obrero, hindi naihulog ang ilan dito. 

Paniwala ni Renato Reyes ng Bayan, dapat i-contempt ng DoLE ang Kentex dahil sa pag-isnab sa gobyerno. 

HNT

Kaanak ng Kentex fire victims sumugod sa DOLE-NCR

SUMUGOD sa tanggapan ng DoLE-NCR nitong Lunes ang mga survivor at kaanak ng mga namatay sa malaking sunog sa Ugong, Valenzuela.

Kasama ang mga miyembro ng labor group na Kilusang Mayo Uno (KMU) at Bayan, kinalampag ng grupo ng mga naulilang kaanak ang tanggapan habang nag-pupulong kaugnay sa insidente.

Nagkaroon ng bahagyang tensiyon dahil sa pagnanais ng mga kaanak na makapasok sa pulong.

Ngunit makaraan ang negosasyon, pinayagan din makapasok sa gusali ang ilang kinatawan ng mga kaanak at survivors.

Desmayado ang ilang may transaksyon sa DoLE-NCR dahil hindi sila pinapasok ng mga guwardya.

Kentex walang safety officer

WALANG safety officer ang pabrika ng tsinelas na nasunog sa Valenzuela nitong Miyerkoles, ayon sa trabahador na nag-welding dito.

Pahayag ng kompanya kung saan galing ang mga trabahador, secretary lang ng Kentex Manufacturing Corporation na si Josie Ty ang nag-apruba na puwede na 07silang mag-umpisa sa pagwe-welding.

Base sa salaysay ng tatlong trabahador, nagtanong sila kung wala bang kemikal na maaapektohan ng spark mula sa kanilang pagwe-welding ngunit sinagot anila ni Ty na natakpan na ng lona.

Bandang 10 a.m. nagsimulang magtrabaho ang welder na nagdulot nang maliliit na sunog sa loob dahil sa spark.

Pinatay lang anila nila ang apoy sa pamamagitan ng pagtapak dito ngunit makalipas ang 30 minutos, nang mangalahati na ang welding rod, kumapal ang usok na hudyat na malakas na ang apoy.

Hinala nila, sa dami ng spark na tumama sa lona, tuluyan na itong nabutas saka tumama ang spark sa kemikal.

Bukod sa kawalan ng safety officer, lumalabas na wala rin work permit ang pagwe-welding na dapat sana’y ikinukuha sa Bureau of Fire Protection (BFP) kapag may gagawin sa pabrika na may delikadong kemikal.

Batay sa report ng BFP, patay ang 72 indibidwal sa sunog kabilang ang dalawang secretary at ang anak ng may-ari na si Tristan Ong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …