Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, nami-miss din ang pag-arte sa harap ng kamera

 

ni Roldan Castro

051915 daniel fernando

“MASAYA ako sa buhay ko ngayon,” bungad ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando.

“Happy ako sa personal life ko at maging sa aking pagiging isang public servant,” deklara niya na medyo naisakripisyo niya ang kanyang showbiz career.

“Mahirap. Hindi ko talaga siya maisisingit,” bulalas niya na nami-miss na rin niyang umarte ulit.

Samantala, hindi naman zero ang kanyang lovelife pero marami siyang trabaho na kailangang unahin at i-prioritize.

Importante rin sa kanya na mapangalagaan ang privacy kahit pa sabihing isang public figure siya kaya hindi siya masyadong makuwento sa kanyang lovelife.

Bagamat hindi na full time sa showbiz si Vice Governor Daniel ay napagtagumpayan naman niya ang maging public servant.

Isang pagpapatunay ay pagtanggap niya ng mga recognition at awards sa larangan ng public service. Kamakailan ay pinarangalan siya ng ‘Golden Globe Medal of Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service.’

Nagig basehan ng naturang ng award giving council ang mga tulong at magagandang gawaing ibinibigay ni Vice Gov. Daniel na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga constituent sa pamamagitan ng mga proyekto niyang Damayang Filipino: “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo livelihood program; Dunong Filipino Legal Mission, Dugong Filipino: Dugong Alay ng Bulakenyo; Damayang Filipino Computer on Wheels; Call Center Training Program; medical and feeding missions, at marami pang iba.

“‘Yung mga ganitong pagkilala bukod sa nagbibigay ng inspirasyon, parang pantanggal-pagod din. Kahit anumang pagod at hirap ang pagdaanan mo sa pagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan, ganado ka pa rin,” deklara niya.

November of last year, siya rin ang nahirang bilang ‘Outstanding Local Legislator ng Superbrands Markerting International Inc.’ Ito ay para sa kanyang excellent track record sa pamumuno niya sa Sangguniang Panlalawigan in enacting provincial ordinances and resolutions para maiangat pang lalo ang pamumuhay ng mga kapwa niya Bulakenyo, pagpapanatili ng peace and orderliness, at pangangalaga sa environment.

Taong 2011 nang matanggap niya ang kanyang mga unang regonition sa larangan ng politika. Ito ay ang ‘Most Outstanding Provincial Vice Governor, Foremost Advocate of Good Government and Exemplary Public Service Award’ na iginawad sa kanya ng Philippine Media Affairs o PMAC.

Sa taong ito rin siya nahirang bilang ‘Natatanging Anak Ng Bulacan Acievement Awards,’ at ‘Most Outstanding Board Member from Central Luzon’na ibinigay naman ng Central Luzon Media Association.

Ang iba pang parangal na natanggap niya ay ang ‘Most Outstanding Public Servant sa Gawad Amerika’ sa Los Angeles, California noong 2012, ‘Gintong Palad Public Service Award’ mula sa Movie Writers Welfare Foundation at Elements Marketing And Advertising Services noong 2013, at ‘Distiguished Alumni Awar’ na ibinigay ng University Of The East-Caloocan Alumni Association noong 2014.

“I am very much humbled by this award. And I’m grateful to everyone,” sey pa niya.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …