Saturday , January 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco Martin, ire-remake Ang Probinsyano ni FPJ

051915 coco martin FPJ

00 fact sheet reggeeSi ABS-CBN President at CEO, Charo Santos-Concio mismo ang pumili kay Coco Martinpara gumanap sa isa sa obra maestra ni Da King, Fernando Poe, Jr., Ang Probinsyano.

Base sa media announcement kahapon ng Dreamscape Entertainment ay gagampanan ni Coco ang isang pulis at bilang papuri na rin ito sa ating mga kawal na buwis buhay na ginagampanan ang kanilang trabaho.

Sobrang tuwa at saya ni Coco dahil bukod sa ABS CBN management na ipinagkatiwala sa kanya ang project ni FPJ ay mismong ang maybahay ni Da King pa ang pumili sa aktor.

Kuwento ni Coco, ”noon pa po nababangit ni lola (tawag kay Ms. susan) na may mga pelikula raw si FPJ na bagay sa akin. Tapos nabanggit ko naman po ito rati na gusto ko ‘yung ‘Ang Probinsyano’ at bagay sa akin, iyon po, napag-usapan na pala nila. Kaya sobrang tuwa ko po, sobrang nagpapasalamat sa ABS CBN management, kay Ma’am Charo, sa Dreamscape, kay lola.”

Kung walang aberya ay ay sa katapusan ng Mayo ang umpisa ng taping ng FPJ’s Ang Probinsyano at kasama rin sa cast sina Albert Martinez, Jaime Fabregas, Bela Padilla, Angeline Quinto, Arjo Atayde, at Ms. Susan Roces mula sa direksiyon nina Malu Sevilla atAvel Sunpongco handog ng Dreamscape Entertainment.

As of this writing ay hindi pa raw alam kung sino ang ikatlong leading lady ni Coco dahil wala pa raw final decision, ayon mismo sa headwriter ng serye na si Mr. Joel Mercado.

ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald pamparelaks ang pag-akyat sa bundok

RATED Rni Rommel Gonzales MALAKING pribilehiyo kay Gerald Anderson na mapasama ang pelikulang Rekonek sa 51st Metro Manila Film Festival …

Jennifer Lee Mark Aries Luancing

Jennifer Lee ikinasal sa isang konsehal ng Lipa; Matagumpay na ring DJ

RATED Rni Rommel Gonzales NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si …

Judy Ann Santos UFC

Judy Ann ibinahagi 12 meals/food for Christmas

RATED Rni Rommel Gonzales NAHINGAN si Judy Ann Santos, habang magpa-Pasko naman na, kung may …

Vice Ganda, Ion Perez pinaghahandaan pagkakaroon ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SINABI ni Vice Ganda, sa isang panayam na willing sila ni Ion Perez na …

James Reid Nadine Lustre Jadine

Nadine ayaw na nga bang makatrabaho si James?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAALIW naman kami sa latest interview kay Nadine Lustre. Bukod sa pagiging consistent …