Sunday , December 22 2024

Bar owner na Japok nilaslasan ng leeg ng empleyado

PATAY ang isang 28-anyos Japanese national nang laslasin ang lalamunan ng hinihinalang sariling empleyado sa kanyang bar sa kanyang tinutuluyan sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Tomoyuki Takasugi, nakatira sa 26th floor ng Malate Bay View Mansion sa 1481 Adriatico St., Malate.

Habang pinaghahanap ng Malate Police Station 9 ang lalaking suspek na si alyas Amie Magnaan, 45, maintenance ng KYCK KTV Bar & Restaurant na pag-aari ng biktima, sa 1920 J. Bacobo Street, Malate.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Charles Duran ng Manila Police District Homicide Section, dakong 11 p.m. kamakalawa nang matagpuang patay ang biktima sa loob ng kanyang unit.

Nabatid kay Edmon Surte, 25, marketing Staff ng KYCK KTV Bar, huling nakitang buhay ang biktima na kasama ng suspek dakong 5:55 p.m. nitong Sabado (Mayo 16) sa hallway ng Malate Bay View Mansion.

Tinatawagan ni Surte ang biktima ngunit hindi sumasagot kaya nagtungo siya sa unit ng dayuhan pero naka-lock ang pintuan

Humingi ng tulong si Surte sa security guard at nang kanilang mabuksan ang pintuan, natagpuang walang buhay ang biktima at may laslas sa lalamunan.

Natuklasan din nabuksan ang safety vault ng biktima.

Sa record ng Close Circuit Television (CCTV) tumakas ang suspek dala ang red bag dakong 6 p.m. noong Sabado.

Kamakalawa ng gabi, natuklasang patay ang Japanese national.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *