Friday , November 15 2024

A.K.A. TY aktibo pa rin sa resins smuggling

00 Palipad hangin Arnold ataderoSA GALING ng kamandag ng ‘smugglers money’ ng isang Tsinay na si a.k.a. TY, hindi talaga siya ma-paralyze sa kanyang smuggling activity at siya ay nagko-centrate lang sa plastics resins.

Sang-ayon sa ating information sa loob  ng Aduana, si TY na may ilang dekada nang involve sa bigtime  smuggling ng resins (kung  minsan ng stainless steels) hindi pa magiba-giba ng mga taga Bureau. May isang malaking dahilan. MONEY she shells out in her highly  illegal activity to money-mad agents of the bureau at ang kanyang political patrons.

Iba ang modus ni a.k.a. TY. Ang kanyang kinakaibigan ay either close relative ng nasa poder tulad ng nanay (sa Bureau ito ang  kanyang tinatarget). Noong nakalipas na administration ng customs sa ilalim ni Pinoy, ang nanay ng isang notorious bureau official ang kinaibigan. Itong  si Nanay ay isang  casino addict. Kaya kung palihim na tumututok si Nanay kasama si TY sa ilang casino, nagpapanggap pa daw na PWD si Nanay. Ang lakas magtapon sa casino, pero si TY alalay lang tumaya. Siya naman kasi  ang financier.

Pag-upo raw ni bagong Commissioner Bert Lina nakakonek nang mahigpit si a.k.a. TY at sa isang  woman presidential relative na naging national issue rin nang siya ay isa pang politician.

Bueno, sa kasalukyan, si presidential relative at si TY magkasanggang-dikit at madalas daw bisita sila sa isang sub-urban casino. Kontrolado naman daw ng husband ang nasabing casino.

What are they in power for? Weder-weder lang, sabi noon ni Erap bago siya makulong dahil sa plunder case.

Sang-ayon sa ating informant, between 300 and 500 container vans  on  the  average ang pinalulusot ni a.k.a. TY every week at marahil ay sa nearby customs port. Before, doon siya nagpaparating sa Subic port. Mas-yadong mabagsik ang perang mula sa smuggling, kahit santa santita pa natutukso tulad na lang  ni Nanay at ng presidential relative na chick din.

Normally, ang isang 40-footer na container may benchmark na P300,00. Sa smuggling practice ni TY   misdeclared ang plastics resin na isang plastic  scrap. Halos token amount lang ang customs duty na ibinabayad. Baka kung minamalas si Huwan Pasang Kurus, P20,000 or a little more ang ibinayad sa iyo (Pasang Krus). Sa average 300 container a week at ang license na ginagamit ang pangalan ni presidential relative.

By the way, ano ang ginawang milagro ni TY at kanyang naipalusot ang may 1,000 cointainer ng plastic na grossly undervalued or misdeclared pag-upong-pag-upo ni dating Commissioner Sevilla?

Gaya ng ating observation, si Sevilla ay honest (nandoon na tayo) pero ang ating kailangan dito ay iyong matinik na intel agents or informants. Sige-sige pala ang parating ni a.k.a. TY noong time ni Sevilla (binulag kaya siya ng mga taong taga-bureau?), pero hindi sumingaw ang pangalan ni a.k.a. TY.

Kung gagamitin ni Commissioner Lina ang mga agent niya na puwedeng mapagkatiwalaan madaling matiklo si TY. Kaya lang, kaya bang banggain ang padrino ni TY?

 

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *