Muling iginiit ni dating Senador Panfilo Lacson kay Bise Presidente Jejomar Binay na bigyan ng waiver ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) sa mga bank accounts nito para maging malinaw sa sambayanan kung mayroon siyang tagong yaman.
Ayon kay Lacson, kabilang sa mga awtor ng Anti-Money Laundering Act, hindi maganda ang laging pag-atras ni Binay upang ipaliwanag kung paano siya yumaman sa mahabang panunungkulan sa gobyerno.
“Official records ng AMLC ito. Hindi ito ‘yung mga sabi-sabi during the Senate hearings. Mas ma-inam na i-confront na niya ito imbes na the usual ‘politics lang iyan’,” sabi ni Lacson na unang binatikos ang pag-atras ni Binay sa paki-kipagdebate laban kay Sen. Antonio Trillanes IV na isang maling hakbang.
Para kay Lacson, lalong babagsak ang antas ni Binay sa mga survey sa tatakbong pangulo dahil wala siyang katuwiran kundi napopolitika at dirty tricks lang ang lahat.
“Sa politika, ‘pag nakita ng mga kababayan natin ‘yung mararangyang bahay at malalaking bank accounts, iba ‘yung dating talaga. If you are a public official, ang dating talaga kelangang ipaliwanag mo kung saan nanggaling ‘yung assets,” diin ni Lacson na tumanggi sa pork barrel sa 12 taong pag-upo sa Senado.
Nilinaw din ni Lacson na hindi magpapagamit sa alinmang partidong pampolitika ang AMLC na binubuo ng mga opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas, Securities and Exchange Commission at Insurance Commission.
Muli niyang ipinaalala kay Binay na siya ang naghamon ng debate kay Trillanes sa debate para maipaliwanag ang kanyang kayamanan pero biglang umatras ang bise president.
“I don’t think that’s a good move. Kasi in the first place, siya ‘yung nag-challenge e. Sana kung meron lang nagkasa sa kanilang dalawa, tapos sinabi niya ‘I’m not interested,’ that’s fine,” giit ni Lacson.
“Siyempre mas maga-ling makipagdebate si VP Binay, abogado, and then mas may experience,” dagdag ni Lacson. “Pero when you’re confronted — I’m not prejudging ha — ang bala mo, ang pinakamaga-ling mong bala sa debate, ‘yung truth e. Assuming that lahat ng hawak ni Senator Trillanes totoo, matatalo si Vice President Binay.”