Monday , January 26 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TV executive, animo’y anino ni male personality sa kabubuntot

00 blind itemni Ronnie Carrasco III

PARANG aninong lagi nang nakabuntot ang isang TV executive (hulaan n’yo na lang kung lalaki o babae) sa isang matagumpay na lalaking personalidad sa kanyang larangan.

Sa isang espesyal na pagtitipon sa harap ng media (hulaan n’yo na rin kung anong grupo ng mga mamamahayag ‘yon), nasa entablado ang nasabing TV boss at ang binubuntutan niyang popular male personality.

Dahil kasi sa tinamong tagumpay muli ng lalaking personalidad na ‘yon ay nakantiyawan siya ng mga taga-media na magpamahagi naman ng kaunting biyaya. To the delight of the media, inanunsiyo ng TV boss on mike na magpapa-raffle raw ang male personality na ‘yon (na may tangan ding mikropono) ng tumataginting na P100,000.

Halatang nagbago ang timpla ng mukha ng male personality, mukhang wala sa budget ang kanyang instant pa-raffle kaya naman pasimple niyang ibunulong sa TV boss na,”One hundred thou? Paano na ‘yung balato ko sa iyo, mababawasan na?”

Pabulong na rinig na rinig naman daw, kaya biglang kambyo ang TV boss, ”May additional na P50,000 ang ipara-raffle ni (pangalan ng male personality)!”

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …