Sunday , December 22 2024

Talamak na shabu isinisi ng PNP sa China

KINOMPIRMA ng pamunuan ng pambansang pulisya na mula sa bansang China ang malaking bahagi ng suplay ng shabu na naibebenta sa bansa.

Ayon kay PNP spokesperson, Senior Supt. Bartolome Tobias, dahil mahigpit ang monitoring at operasyon ng mga awtoridad sa mga shabu laboratory sa Kamaynilaan kaya’t ini-import na lamang ng drug dealers ang kanilang ibinibentang shabu.

Isiniwalat din ng PNP na 92% sa mga barangay sa National Capital Region o NCR ang apektado ng droga.

Ngunit ayon kay Tobias, kung buong bansa ang pag-uusapan, nasa 20-30% ng mga barangay lamang ang apektado ng problema sa droga.

Mariing nilinaw ni Tobias na ang batayan ng mga awtoridad kung kaya’t 92% sa barangays sa NCR ang apektado ng droga ay dahil sa mababaw na batayan ng Dangerous Drugs Board sa pagdeklara sa drug affected barangays.

Batay sa ginamit na parameters ng DDB, ang isang barangay ay naidedeklarang drug affected kahit isang drug user lamang ang nahuli rito.

Pahayag ni Tobias, sa ngayon masusing pinag-aaralan ng PNP at DDB ang parameters at kung ito ba ay ‘realistic’ at kung nararapat nang baguhin para mahigpitan ang panuntunan.

20 kilo ng damo nasabat sa Agusan

NASA 20 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasabat ng PDEA Special Enforcement Team at PDEA-SWAT Mindanao sa buy-bust operation sa Loreto, Agusan del Sur nitong Biyernes.

Narekober ang marijuana mula kay Juven Era alyas Bebot, naaresto sa Purok 7, Brgy. Sto. Tomas.

Kabuuang 24 bungkos ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P700,000, ang nakuha mula kay Era, na hinihinalang nagtutulak nito. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o drug selling.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *