Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sam Milby, gusto nang magka-anak; posible ring ma-inluv sa single mom

051815 Sam Milby

00 fact sheet reggeeAMINADO si Sam Milby na sa ilang buwan niyang pagkawala sa ASAP ay nagulat siya dahil ang marami ang bago at ang turnover ay masyadong mabilis.

“Nagugulat ako kasi sa turnover rate, ang bilis, ang daming bago.

“Even when I was gone for a while rito sa ‘ASAP’, ang daming bago na bata.

“It’s a lot different, but I’m thankful.

“To think about it, this is my 10th year, to think I still have work, sobrang blessed pa rin ako. They still offer projects pa rin.

“I’m not worried ‘coz I really believe in the last 10 years ABS has taken care of me, and I believe will still take care of me.

“Sometimes we have to accept that this is a job that really won’t be forever.

“I still wanna just keep on going, do what I can and enjoy.

“Let’s not think about the negativity, puro positive lang, ‘am so blessed so wala naman na akong masasabi pa,” mahabang paliwanag ng binata.

Samantala, sa Mayo 23 ay 31 years old na ang aktor at nananatiling walang nobya kaya natanong kung may plano siyang mag-asawa, ”opo naman, in God’s Time. Ako gusto ko in four years, sana may family na ako, so in God’s time, sasabihin ko within 4 years,” tumawang sabi ni Sam.

At hindi na raw naghahanap pa si Sam kasi naniniwala siya na, ”if it happens, it happens. If not, I’m dating naman.”

Natanong namin kung posible ba siyang magkagusto sa single mom, ”yes, kung magkakasundo kami, okay kami, why not? I mean, I love to have kids na nga,” sabi pa ng aktor.

Naku, napakasuwerte ng makakatuluyan ni Sam, maniwala kayo dahil ideal husband and dad siya base sa nakikita kong pag-aalaga niya sa pamangkin at higit sa lahat, kung paano niya itrato ang ex-girflriends niya.

Siguro masyadong mabait ang aktor bagay na hindi rin gusto ng ibang babaeng mahilig sa adventure pagdating sa ugali ng dyowa.

ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …