Wednesday , December 25 2024

Parusang kulong sa ex-BoC official

00 Kalampag percyHINATULANG guilty kamakailan ng Sandiganba-yan sa kasong perjury si Filomeno Vicencio Jr., dating opisyal ng Bureau of Customs (BoC).

Hanggang anim na taon pagkabilanggo at multang P1,000 ang sentensiya ng Sandiganba-yan kay Vicencio dahil idineklara na college gra-duate siya, kahit hindi naman totoo.

Nakasaad sa isinumiteng personal data sheet ni Vicencio noong Hunyo 16, 2009, na siya ay nagtapos sa University of the East (UE) upang makapasok bilang mataas na opisyal ng Customs na may ranggong Director III.

Wala pala ang pangalan ni Vicencio base sa record ng mga nakapagtapos ng ano mang kurso sa UE.

Walang bachelor’s degree si Vicencio, kaya sigurado tayo na wala rin siyang Career Service Executive Eligibility (CSEE) na requirement sa katulad na puwestong hinawakan niya sa Customs.

Pero mukhang hindi na yata sinilip ang mga nakamal na yaman ni Vicencio sa maikling panahon niya sa Customs.

Sa pagkakatanda ko, napabalita ang biglang pagkakaroon niya ng malawak na rancho sa lalawigan ng Tarlac at isang KTV bar sa Pasay City na pinatatakbo ng kanyang anak at malimit tambayan ng mga kagawad ng CIIS na noo’y sipsip sa kanya. (‘Di ba, Vincent Mariño?)

Naalala ko, noong isiwalat natin sa pitak na ito ang tungkol sa pekeng credential ni Vicencio ay naging abogadong tagapagtanggol pa niya ang isang radio program sa malaking himpilan na ma-limit siyang purihin.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit hindi man lang yata maibalita ang naging hatol kay Vicencio sa paborito niyang programa.

Ha, ha, ha!

Senate reso kunwari para maging bida si JV

NAGHAIN ng resolution si Sen. JV Ejercito para bigyan nang pagkilala ng Senado ang El Gamma Penumbra dahil itinanghal na kampeon sa kauna-unahang Asia’s Got Talent competition sa Singapore.

Walang masama na purihin at kilalanin ang kababayan nating nagdala ng karangalan sa bansa pero hindi na kailangan ng isang Senate resolution para gawin ito.

Masyadong halata na sinasakyan ni Sen. JV ang popularidad ng EGP habang wala naman siyang kibo sa pag-alingasaw ng nakaluluang kayamanan ng kanyang kaalyadong si VP Jejomar Binay.

Ang inaasahan ng publiko ay maghain ng re-solution si Sen. JV o sino mang mambabatas na mananawagan kay Binay na isapubliko ang lahat ng kanyang kayamanan, at ipaliwanag kung saan ito nagmula.

Si Binay bago mag-EDSA

LEGAL daw ang kanilang yaman dahil masinop si VP Binay at sa katunayan ay nag-iipon pa ng coins sa alkansiya, sabi ng anak niyang si Sen. Nancy.

Ayon pa sa senadora, milyones ang laman ng bank accounts ng kanyang Tatay pero lima lang at hindi 242, taliwas sa pahayag ng Anti-Money Laundering Council.

Tiyak naman na sa edad ni Sen. Nancy ay buhay na siya noong early 80’s nang  ang kanyang Tatay ay nagdadala ng press release ni Nene Pimentel sa Taza de Oro, Plaza Ferguson, tapat ng US Embassy, at 101 Coffee shop sa UN Ave., Ermita, Manila.

Sakaling ‘di alam ng mga anak ni Binay, iisa lang ang nakikita ko na laging suot niyang barong noon at puro libag pa ang kuwelyo.

Kaya imposibleng makamal ng kanyang pamilya ang mga property at mga deposito sa banko nang ganoon kadali.

 

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *