NASA P12 milyon pondo ang inilaan ng pamunuan ng Philippine Air Force (PAF) para sa pag-upgrade ng kanilang OV-10 “Bronco” attack aircraft, lalo na sa pagbili ng spare parts at sa maintenance nito.
Ayon sa Philippine Air Force (PAF), ang nasabing pondo ay kanilang gagamitin sa procurement ng “electrical, pneudraulic and APG System requirements” para sa OV-10 bomber plane.
Sa Mayo 21, 2015 itinakda ang prebid conference sa PAF Procurment Center Conference Room sa Villamor Air Base, Pasay City dakong 1 p.m.
Sa ngayon, mayroong anim hanggang walong OV-10 air frames.
Ang OV-10 ay ginagamit ng militar sa air-to-ground and patrol missions.