UMIINIT na ang takbo ng kuwento ng Inday Bote dahil ang mismong kinakapatid ni Inday (Alex Gonzaga) na si Andeng (Alora Sasa,) ay nagpanggap na siya ang nawawalang apo ni Lita (Alicia Alonzo).
Hangad kasi ni Andeng na yumaman at sawa na siya sa buhay mahirap kaya niya nagawang lokohin ang kinakapatid na si Inday, pero hindi naman siya makalulusot sa pagdududa ni Fiona (Aiko Melendez) dahil ang alam nito ay si Inday (Alex) ang matagal nang hinahanap ng pamilya Vargas.
Maitatago ba ni Fiona sa lahat ang katotohanan kapag nakompirma niya na si Inday nga ang nawawalang si Kristal?
Paano magbabago ang buhay ni Inday sa oras na matuklasan niya kung sino ang tunay niyang pamilya? Huwag palampasin ang kapana-panabik na kuwento ng pangarap at hiwaga sa Inday Bote gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.
Samantala, nag-uumpisa na ring maggirian sina Kean Cipriano at Matteo Guidicelli dahil kay Inday.
ni Reggee Bonoan