ni Peter Ledesma
LUCKY year ng “Kilig Prince” na si Mark Neumann ang 2015 lalo’t ang Kapatid young actor ang napili ng TV 5 na pagbidahin para sa Pinoy adaptation ng patok na Koreanovela sa South Korea noong 2010 na “Baker King.”
Dahil sa sobrang popular ay dalawang beses itong ipinalabas noong 2011 sa GMA-7. Ang gumanap na original Tagku rito ay walang iba kundi ang korean actor na si Yoon Shi-Yoon. Ngayong taon, ang Baker King ang maituturing na pinakamalaking project ng Kapatid network kaya’t all-out ang suporta ng estasyon kay Mark na pinagkatiwalaan nila para gumanap na bagong Takgu. Honestly, he really deserved the role, dahil tulad ni Shi-Yoon ay hindi rin nagpapahuli sa kaguwapohan at mahusay ring aktor si Mark, dagdag points rin ‘yung grabe si-yang magpakilig ng TV viewers.
Ang kapwa niya finalist sa Artista Academy at madalas makatambal sa Wattpad Presents na si Shaira Mae na ka-love team niya at si Inah Estrada ang leading ladies niya sa Baker King, na magpa-pilot na tonight sa TV 5 at 9:30 pm at mapapanood ito mula Lunes hanggang Biyernes.
Powerhouse cast ang Pinoy version ng Ba-ker King na kinabibilangan ng mga multi-awarded actors natin na sina Boots Anson Roa, Jackie Lou Blanco, Joonee Gamboa, Raymond Bagatsing, at ang promising Kapatid actor na si Akihiro Blanco na gaganap bilang Michael, half-brother ni Takgu. Kokompleto sa cast ng nasabing serye sina Allan Paule, Ian de Leon, Malak So Shdifat at Nicole Estrada sa ila-lim ng isa sa mahusay na director sa industriya na si Mac Alejandre.
Para mabigyang buhay at swak na ma-ging Takgu, two days na nag-training o workshop si Mark sa isang kilalang bakery. Sobra raw siyang nag-enjoy rito, dahil natuto na siyang magmasa ng harina at gumawa ng pandesal, kuwento pa ng aktor sa grand presscon ng Baker King last Tuesday sa Wheatberry Bakery & Cake na ang sarap pagmasdan sa dami ng naka-serve na special pandesal at iba’t ibang klase ng tinapay.
“Two days po kaming nag-workshop sa isang bakery sa Marikina City nina Shaira Mae, Akihiro Blanco, Raymond Bagatsing, Joonee Gamboa, Ian de Leon, Allan Paule na gaganap ding bakers sa teleserye.”
According to Ma’am Wilma Galvante na present sa said presscon, three years silang naghintay bago nakuha ang rights ng Koreanovela para sa Pinoy adaptation na ngayon ay nagsisilbing opening salvo sa pagbabalik ng TV 5 sa paggawa ng de-kalidad na teleserye.
Sa tanong o hirit ng entertainment press kay Mark, kung ano ang masasabi niya na sa kanya ibinigay ang na-sabing big project: Narito ang naging tugon ng matangkad na young actor, “I feel very blessed, ang ganda po ng pakiramdam ko. Napanood ko po sa DVD ang original Korean novela at nakita ko na maraming challenges na pagdaraanan si Takgu, ang character na gagampanan ko. I love challenges, kaya ibibi-gay ko ang best sa bawat eksenang gagawin ko,” sey ng sobrang nami-miss na pala ang family sa London dahil hindi na niya nakikita sa sobrang busy sa mga project na ginagawa.
Pero masaya raw ang pamilya para sa kanya lalo’t tuloy-tuloy ang suwerte niya. Kaya pala super blessed si Mark dahil siya ang breadwinner ng pamilya. Pagdating naman kay Shaira Mae hanggang loveteam lang raw sila nito dahil bawal pa ang mag-girlfriend. Ayaw ng kanyang uncle na kasama niya rito sa Pilipinas. Well ang importante ay focus silang pareho sa trabaho ni Shaira Mae at napapasaya nilang pareho ang fans sa kanilang newest primetime series na “Baker King” na talaga namang exciting panoorin.
Congrats to TV 5 gyud!